Isang video ng pasasalamat sa kanyang mga tagasuporta ang inilabas ni Johnny Depp sa kanyang kauna-unahang TikTok entry.

Isa itong montage kung saan makikita ang fans ni Johnny na may dalang placards, pati na rin ang kaniyang performances sa stage, ayon sa Unang Balita nitong Huwebes.

Inilabas ito ni Johnny matapos magtagumpay sa defamation case laban sa dati niyang asawa na si Amber Heard.

"To all of my most treasured, loyal and unwavering supporters. We’ve been everywhere together, we have seen everything together. We have walked the same road together. We did the right thing together, all because you cared. And now, we will all move forward together," caption ni Johnny.

"You are, as always, my employers and once again I am whittled down to no way to say thank you, other than just by saying thank you. So, thank you. My love & respect, JD," pagpapatuloy ng American actor.

Tumagal ng anim na linggo ang paglilitis nina Johnny at Amber, kung saan pinagbabayad ng korte si Amber ng mahigit $10 milyon halaga ng damages kay Johnny.

Pinagbabayad naman si Johnny ng $2 milyon halaga ng damages kay Amber. —Jamil Santos/VBL, GMA News