Kasama ang mga tumutok sa telebisyon, naki-volt in! din ang netizens sa pilot episode ng "Voltes V: Legacy" nitong Lunes.
Nanguna sa trending list sa Philippine Twitter ang hashtag #VoltesVLegacyTVPremiere, na dinagsa ng papuri mula sa netizens.
Pasok din sa trending list ang "Steve Armstrong," "Jamie Robinson," "Miguel Tanfelix," at "Dokugaga."
Ilang fans ang aminadong may bahagi ng kanilang kabataan ang nagbalik nang muling mapanood ang Voltes V. Pinuri naman ng iba ang magandang pagsasalin ng sikat na anime bilang live action series.
Ikinatuwa rin ng netizens ang pagkakatulad ng ilang mga eksena "Voltes V Legacy" mula sa original na mga tagpo nito.
They even recreated part of the opening for Voltes V!#VoltesVLegacyTVPremiere #????V???? #VoltesVLegacy pic.twitter.com/WmFWe5npf9
— NegiKitsu | ????????????????/ENVtuber Predebut (@NegiKitsu) May 8, 2023
Hinangaan din ang ganda ng CGI ng series, at ang makitang mabuo sa unang pagkakataon ang maangas na Voltes V robot.
Pinuri rin ng fans ang pagkakaawit ni Julie Anne San Jose "Voltes V" theme song.
Ang "Voltes V: Legacy" ay pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Matt Lozano, Radson Flores, at Raphael Landicho, sa direksyon ni Mark Reyes.
Mapapanood ang "Voltes V: Legacy" mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad, pagkatapos ng GMA News "24 Oras." Naka-livestreame din ito sa YouTube at GMANetwork.com/KapusoStream. —FRJ, GMA Integrated News