Magiging isang Kapuso na si Matteo Guidicelli, batay sa impormasyon na ibinahagi ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes.

Ayon sa King of Talk, pipirma ng kontrata si Matteo sa GMA Public Affairs sa Huwebes, Mayo 11, 2023.

Nakapag-shoot na umano ng plug ang mister ni Sarah Geronimo, kasama ang Public Affairs officials ng GMA-7 nitong Sabado.

"Malalaman po natin lahat ng detalye ngayong darating na Huwebes sa kaniyang press conference," sabi ni Tito Boy.

Sa darating na Biyernes, makakasama naman umano sa "Fast Talk with Boy Abunda" si Matteo. — FRJ, GMA Integrated News