Kinumpirma ni Michelle Madrigal na engaged na siya, at sinabing "I am marrying the man God sent me."

Ibinahagi ito ng actress-turned-realtor sa Instagram Story, ilang linggo makaraang niyang ipahiwatig ang tungkol sa bago niyang pag-ibig.

"Damn if you do, damn if you don't," saad ni Michelle. "No matter what you do, people will always have something to say. So, live your life and follow the path that God has given you."

"I've kept my dating life very private since my last relationship, and choosing to stay quiet this time has been the best decision," dagdag niya. "But YES I am marrying the man God sent me during my waiting season."

Nitong nakaraang huling bahagi ng Mayo, inihayag ni Michelle sa Instagram video ang tungkol sa date nila ng kaniyang fiance.

Hindi niya ipinakita ang mukha ng kaniyang fiance pero ipinakita niya ang kaniyang singsing.

Ilang followers ang nasorpresa sa rebelasyon ni Michelle tungkol sa bago niyang karelasyon.

Unang ikinasal si Michelle kay Troy Woolfolk, pero nagdiborsyo sila noong 2022. Mayroon silang isang anak na si Anika, na isinilang noong 2017.

Agosto 2022 nang ibahagi ni Michelle ang tungkol kay Kyle na kaniyang idine-date. Pero napansin ng followers na binura ng aktres ang mga larawan ng lalaki sa kaniyang IG, at nag-post din ng tungkol sa "healing." —FRJ, GMA Integrated News