Ilang araw na lang Pasko na at isa sa mga nakagawian ng mga Pinoy tuwing ganitong panahon ay ang kaliwa’t kanang kainan.

Pero kung ang cravings ninyo ay pinaghalo-halong seafood na may matatabang alimango at nag-uumapaw sa alige na mula pa sa Davao, pwede raw itong matikman sa Maynila. Kung saan ito, alamin!

Sa programang “iJuander”, sinabing nagbukas ng panibagong branch ang Hilltop Crabs Buffet sa Mandaluyong City.

Matitikman raw sa naturang restaurant ang Davao Specialty na ‘Hilltop Cajun Boil.’

Ang nasa likod raw ng seafood overload na ito ay ang tubong Davao na si Chin Quiñones.

“Galing ako sa Davao since 2018 po nagsimula po ako sa Hilltop Crabs Buffet tapos napunta po kami sa Mandaluyong,” ani Chin, na chef sa restaurant.

Ano nga ba ang kakaiba sa seafood dish na ito? Panoorin ang buo video ng “iJuander.”—Mel Matthew Doctor/LDF, GMA Integrated News