Sa halip na mga bulaklak, isang aso ang nagsilbing bouquet sa kasal ng kaniyang fur mom.

Sa isang Tiktok video, na iniulat din sa Unang Balita nitong Miyerkoles, mapapanood ang floral na gayak ni Sago the Dog sa kasal ng kaniyang mga amo na sina Joelle Yuvienco at Leonardo Santos.

Sinabi ni Yuvienco na wala naman talaga siyang plano na gumamit ng bulaklak.

Ngunit nang makita niya si Sago na suot ang mala-bubuyog na dress, naisip niyang ang kaniyang fur baby na lang ang kaniyang doggie bouquet.

May mahigit walong milyong views at mahigit isang milyong likes na sa Tiktok ang pagiging doggie bouquet ni Sago. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News