Dinakip ang isang lalaki dahil sa ilang ulit na panggagahasa umano sa kaniyang 14-anyos na anak na babae sa Argao, Cebu.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, na iniulat din sa Unang Balita nitong Martes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na dalawang beses umanong ginahasa ng 49-anyos na suspek ang biktima.

Nagsumbong umano ang bata sa kaniyang kapatid, at ang kapatid naman ang nagsabi nito sa kanilang lola.

Ang kanilang lola ang nagsumbong sa mga awtoridad.

Tumanggi sa krimen ang suspek na nahaharap sa dalawang kaso ng incestuous rape.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News