Isang Pinoy nurse ang nanalong bagong alkalde sa isang bayan sa England, United Kingdom.

Nasungkit ng tubong-Camarines Sur na si Danny Favor ang posisyon na alkalde ng East Grinstead sa Sussex, na 34 na kilometro mula sa London.

Unang nagsilbi si Favor na konsehal sa naturang bayan sa loob ng tatlong termino.
Noong nakaraang taon, naihalal na siyang deputy town mayor.

Itinuturing ni Favor na isang karangalan ang kaniyang pagkapanalo at nais daw niyang maging inspirasyon sa ibang Pinoy na nasa UK.

Si Favor ay isang ophthalmic nurse practitioner sa Queen Victoria Hospital NHS Foundation Trust, at nagtapos ng kaniyang pag-aaral sa Pilipinas bago nangibang-bansa.

Pinamumunuan niya ang Bicol United, isang umbrella organization ng iba't ibang Bicolano communities sa UK.-- FRJ, GMA News