Sinabi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na kaunti lang ang mga OFW sa Israel na humihingi ng tulong sa harap ng kaguluhang nangyayari sa Israeli security forces at Hamas militants.

Sa Laging Handa briefing nitong Lunes, sinabi ni OWWA director Hans Leo Cacdac, na ang mga OFW lang na walang bomb shelter ang tinutuluyang bahay ang humihingi ng tulong.

"Most of the structures in Israel have bomb shelters, so only those living in areas without bomb shelters have sought assistance,” ani Cacdac.

"But these are few of them seeking assistance. In general, our OFWs there are safe and sound, at least at this point," dagdag niya.

Inihayag ni Cacdac na tinutulungan naman ng Philippine Embassy at Philippine Overseas Labor Office sa Tel-Aviv, ang mga OFW na lumalapit sa kanila.

Tinatayang nasa 30,000 ang OFW ang nasa Israel, na karamihan ay naninirahan sa kanilang mga amo na ang mga bahay ay mayroong bomb shelter.

Gayunman, sinabi ng opisyal ng OWWA na nasa 300 Filipino ang nasa mga lugar na direktang apektado ng sagupaan sa Ashkelon at Ashdon sa Israel, at nasa 100 Pinoy naman ang nasa Gaza Strip, na karamihan ay nakapag-asawa ng mga Palestinian.

“The instructions for OFWs now is to stay indoors,” ani Cacdac.

“There is no widespread evacuation yet. We have yet to reach the level of mass repatriation because the international airport is also closed,” dagdag niya. —FRJ, GMA News