Natagpuang patay ang isang menor de edad na Filipino-American na napaulat na nawawala sa California, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang bangkay ni Jordan Caoile sa isang open field sa Moreno Valley.

May 15 nang mapaulat na nawawala si Caoile. Humingi ng privacy ang kaniyang biktima kasunod ng pangyayari.

Patuloy naman na iniimbestigahan ang sanhi ng kaniyang pagkamatay. —KBK, GMA Integrated News