Isa umanong tulak na dating lider ng mga traffic enforcer ang napatay matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Pagsanjan, Laguna, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Bumunot daw ng baril si Leodigario Reside alyas Odek nang makahalata na mga pulis ang kanyang ka-transaksiyon kaya siya nabaril ng mga puli at napatay.

Nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu at isang baril.

Dati na raw naaresto si Reside dahil sa pagtutulak ng iligal na droga. —KBK, GMA News