Patay ang isang Filipino-Chinese businessman habang sugatan ang dalawa niyang anak matapos silang pagbabarilin habang sakay ng van ng mga nakamotorsiklong salarin sa Mandaue City, Cebu.

Sa ulat ng GMA News "Saksi," sinabing tadtad ng tama ng bala ang van na sinasakyan ng mga biktima.

Nakuhanan naman sa CCTV ang mga pinaniniwalaang mga salarin sa krimen.

Bago umano mangyari ang ambush, nakita ang dalawang motorsiklo na lumapit sa van ng mga biktima.-- FRJ, GMA News