Nakaladkad ng tren ang isang van sa Calamba, Laguna, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Sa lakas ng impact, nagka-yupi-yupi ang kaliwang bahagi van.

Ayon sa driver, hindi niya narinig ang busina ng paparating na tren. Huli na raw nang makita niyang babangga na ito sa kanila.

Nadamay sa aksidente ang apat na bahay at isang nakaparadang tricyle.

Sugatan ang driver ng van, isa niyang sakay at tatlong batang natutulog.

Handa namang tumulong ang pamunuan ng tren sa mga biktima. —KBK, GMA News