Dahil umano sa batang naglaro ng posporo, siyam na bahay ang nasunog sa Davao City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Sa kuha ng isang residente, kita ang kapal ng usok mula sa sunog, na sa sobrang lakas ay  halos wala nang natira sa mga bahay.

Ang ilang residente, nanguha na lang ng mga yero at bakal para kahit papano'y may maipang-gastos.

Nagpaabot na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga nasunugan. —KBK, GMA News