Natagpuang patay sa palaisdaan ang isang batang babaeng 4-taong gulang sa Davao City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.
Base sa imbestigasyon, iniwang natutulog sa kanilang bahay ang biktimang si Enrin Man-ologan. Pero pagbalik ng kanyang ina, nawawala na siya.
Ilang oras nilang hinanap si Enrin hanggang sa matagpuan siyang palutang-lutang sa palaisdaan.
Ayon sa pulisya, bago pinatay, hinihinalang ginahasa muna ang biktima.
Iniimbestigahan na ang insidente. —KBK, GMA News
