Patay ang isang 7-anyos na babae matapos umanong pagsasaksakin ng kaniyang kapitbahay sa San Pedro, Laguna nitong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Eleona Mychie Remoquillo, residente ng Barangay Cuyab. Ang suspek naman, isang menor de edad.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nakaupo lamang ang biktima sa labas ng tahanan ng suspek at inaya umano siya ng suspek na maglaro.

Matapos ang ilang sandali, bigla na lamang sinaksak ng binatilyo ang batang babae.

Naisugod pa ang biktima sa ospital subalit idineklara na siyang "dead on arrival" ng mga doktor.

Naaresto naman ng mga pulis ang suspek.

Ang labi ng mga biktima ay dinala sa Miraculous Funeral Homes. —LBG, GMA News