Patay matapos pagbabarilin ang isang lalaki sa bayan ng Alaminos sa lalawigan ng Laguna.

Iniulat ng Balitanghali Weekend nitong Sabado na naisugod pa sa ospital ang biktimang kinilalang si Mark Anthony Fabella Castro, ngunit ideneklara siyang dead on arrival ng mga doctor.

Pahayag ng babaeng kasama ni Castro, tinuturuan siyang magmaneho ng biktima nang bigla na lamang umanong dumating ang apat na gunmen sakay ng isang SUV.

Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon na pinababa umano ng mga salarin ang babae sa kotse, saka pinagbabaril ng mga suspek si Castro.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa motibo ng krimen at pinaghahanap na ang mga suspek. —LBG, GMA News