Patay ang tatlong magkaangkas na mga lalaki nang bumangga ang kanilang motorsiklo sa nasiraang truck sa bayan ng Murcia sa lalawigan ng Negros Occidental.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabi ng mga pulis na pauwi na noon ang mga nakainom na mga biktima galing sa isang birthday party.

Habang tinatahak nila ang kalsada, bumangga ang kanilang motorsiklo sa nakaparadang truck na nakahinto dahil nasiraan ito.

Wala pang pahayag ang truck driver tungkol sa insidente. —LBG, GMA News