Isang lolo sa Naga City, Camarines Sur ang ninakawana ng relief goods habang natutulog, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Kuwento ng 60-anyos na biktimang si Oscar Guererro, aabot sa 25 kilo ng bigas na bigay sa kanya ng barangay ang nanakaw sa kanya.

Madaling araw daw at natutulog siya nang sirain ng mga kawatan ang padlock sa kaniyang bahay.

Dahil sa insidente, binigyan si Lolo Oscar ng pagkain ng mga taga-barangay at maging ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police. --KBK, GMA News