Nasa 200 katao ang hinuli sa Butuan City matapos maligo sa beach resort kahit ipinagbabawal pa ito, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Kabilang sa mga hinuli ang 29 menor de edad.

Dinala ang mga hinuli sa covered court ng barangay kung saan sila ginawan ng record at pinaalalahanan tungkol sa health protocols. Matapos nito ay pinauwi rin sila. —KBK, GMA News