Iniimbestigahan ang 11 officers ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) matapos silang ireklamo ng mga kadete sa Colegio de Kidapawan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules.

Inireklamo ang 11 officers matapos umano nila umanong pakainin ng iisang candy ang mga kadete, dahilan para pagpasa-pasahan ito.
Pinagamit din umano ng mga officer ang mga kadete ng iisang face mask.

Labag daw sa Anti-Hazing Law at IATF protocols ang ginawa ng 11 ROTC officers, na umamin sa kanilang pagkakamali.

Tiniyak ni ROTC commandant Staff Sergeant Hernando Maria Santiago na papanagutin ang mga nagkasalang officer.

Sasailalim naman sa RT-PCR test ang mga nagreklamong kadete. —KBK, GMA News