Arestado ang isang lalaki sa Lipa, Batangas matapos umanong bugbugin ang kaniyang katrabaho sa away na may kinalaman sa pusa.

Ayon sa ulat ng Unang Balita mula sa GMA Regional TV Balitang Southern Luzon nitong Biyernes, sinugod ng suspek ang biktima matapos malaman na pinakain nito ng sili ang kaniyang alagang pusa.

Nagtamo ng mga sugat sa ulo at mukha ang biktima.

Humingin naman ng tawad ang suspek sa biktima at nais makipag-areglo.

Sinusubukan pa ng GMA Regional TV Balitang Southern Luzon na kunin ang panig ng biktima.  —KBK, GMA Integrated News