Bukod sa tubig, naglalabas din ng hangin na nag-aapoy kapag sinindihan ang isang tubo para sa taniman ng pakwan sa Tigbauan, Iloilo.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Western Visayas, na iniulat din sa "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabi ng isang residente na may lumalabas na pressure sa shallow tube well, na tulad ng singaw ng LPG.

Bukod dito, bumubula rin ang gilid nito.

Tinakpan muna ang tubo at patuloy na binabantayan.

Nag-inspeksyon na ang Municipal Environment and Natural Resources Office at Bureau of Fire Protection.

Posibleng may na-decompose na anumang biodegradable sa ilalim na lumilikha ng methane gas. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News