Patay ang isang lalaki matapos matuklaw umano ng isang king cobra sa Panganiban, Catanduanes.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, natuklaw ang lalaki bandang alas-onse ng umaga nitong Huwebes, iniulat ni Jonathan Andal sa Saksi nitong Biyernes.

Pero dahil nasa bundok siya, mag-a-ala-una na ng hapon nang nakababa ang lalaki.

May anti-venom injection sa Panganiban pero sa layo ng biyahe ng biktima, hindi na siya naisalba. —KG, GMA Integrated News