Ngayong panahon ng pandemic, dumadami ang insidente na may mga ahas na nakikitang pumapasok sa mga bahay at sa mga bakuran. Sa ganitong sitwasyon, madalas din na ang mga alagang hayop tulad ng aso at pusa ang unang nakakakita sa mga ahas at kanila itong nilalabanan.

Gaya na lang ng nangyari sa alagang aso ni Jireh Enzo Dahilan noong Abril na si Hachico, na nagbuwis ng buhay sa paglaban sa isang makamandag na Samar cobra.

Ayon kay Enzo, sa hardin kung saan madalas silang naglalaro ng kaniyang anak nakita ang cobra at maaaring napahamak sila kung hindi ito nakita ni Hachico.

Panoorin ang buong kuwento sa video na ito ng "Born To Be Wild." --FRJ, GMA News