Mariing pinabulaanan ni Bea Alonzo ang mga akusasyong ninakawan o inagawan niya ng lupa ang mga kapitbahay niyang Aeta sa Zambales.

"I felt really hurt and upset, Tito Boy. You've known me for years. You can call me a lot of things but hindi ako magnanakaw. Unang-una, at hinding hindi ko gagawin 'yon sa mga kapitbahay kong Aetas because I truly care about them," sabi ni Bea sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Huwebes.

"Masyado siyang mabigat na akusasyon. That's the reason why we had to address it, because we are fed with misinformation every single day," giit niya.

Sa kaniyang vlog, inimbitahan ni Bea sa kaniyang farm sa Zambales ang mga kapitbahay niyang Aeta at ipaghanda niya ang mga ito ng masarap na pagkain. Kitang-kita ang pag-e-enjoy ng kaniyang mga bisitang katutubo, gayundin sina Bea sa pinagsaluhan nilang pagkain.

Gayunman, may isang netizen ang nagkomento "how about giving their land back."

Sa kaniyang panayam kay Tito Boy, sinabi ni Bea na mabigat ito na paratang.

"Hindi naman natin maiiwasang may bashers, but this kind of accusation is different. That's why we needed to address it right away," paliwanag niya.

Giit pa ni Bea, pinaghirapan niya sa trabaho ang kaniyang property.

"Tsaka Tito Boy, binili namin ang farm, 'yung property na 'yun 11 years ago, pinagtrabahuhan ko 'yon. Binigay ko 'yon sa nanay ko. Ilang tapings ang iniyakan ko para lang makapagpatayo ako ng ganiyan. It's something really sensitive to me because 'yun ang binigay ko sa pamilya ko at sa nanay ko. And my mom would always say ito ang magiging legacy ko one day. So siyempre, masakit 'yon," paliwanag niya.

Sa ulat ng Pep.ph, sinabing naglabas na ng pahayag ang legal counsel ni Bea na si Atty. Joey V. Garcia.

“For the record, our client vehemently opposes that baseless and very unfair accusation. She and her family are the absolute and registered owners of the parcels of land in Zambales, acquired through legal and valid means."

“Let this message serve as a stern & final warning to that fellow who made the disparaging remarks against Ms. Bea Alonzo on social media to retract his/her unfounded accusation and to cease from further making defamatory statements that bring disrepute to our client," dagdag ng pahayag.

Paalala ni Bea sa netizens at sa publiko: "At least if there is anything that we learned about this experience, is that we really have to think before we click." --FRJ, GMA Integrated News