Diretsahang sinagot ni Bea Alonzo ang tanong ng King of Talk na si Boy Abunda kung kaya ba niyang makipagkaibigan sa kaniyang ex-boyfriend na Gerald Anderson "not now but in the future."

Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Huwebes, ipinaliwanag ni Bea kung bakit hindi niya puwedeng maging kaibigan pa ang aktor.

"Hindi. Because I can never be friends with somebody I cannot trust and somebody who does not take responsibility for his actions. So siguro hindi," paliwanag ng aktres.

Pagtukoy sa nakaraang mga panayam kay Gerald, sinabi ni Bea na nagsinungaling ang aktor tungkol sa isyu ng pag-"ghost" sa kaniya.

"Siguro 'yung pinakamalaking pagsisinungaling niya was that he never ghosted me, because he did," sabi ng aktres.

Kasalukuyang in a relationship si Bea kay Dominique Roque na sinabi ng aktres na nakararamdam siya ng "happiness and contentment."

Nang tanungin ni Tito Boy si Bea kung si Dominique na ba ang "the one," tugon ng aktres, "hope so."

Samantala, iniuugnay naman ngayon si Gerald sa aktres na si Julia Barretto. —FRJ, GMA Integrated News