Nagulat at natuwa si Lexi Gonzales nang sabihin sa kaniya nina Boy Abunda at Dina Bonnevie na kahawig niya si Heart Evangelista.

Naging bisita sa "Fast Talk with Abunda" nitong Martes sina Lexi na kabilang sa mga bida sa bagong afternoon series na "Underage," at si Dina na gumanap naman sa original sa "Underage" movie.

Pareho ginampanan nina Lexi at Dina ang karakter ni "Celine."

Bago magsimula ang segment na "Fast Talk," sinabi ni Tito Boy kay Lexi na, "Oo nga naman, may Heart evangelista."

"Have people told you that?," tanong ng King of Talk sa young actress na napa-wow! sa tinuran ng TV host.

Ayon kay Lexi, first time na may nagsabi sa kaniya na kahawig niya si Heart.

"Buy your pretty on your own," sambit pa ni Tito Boy.

Nagpasalamat naman si Lexi sa sinabi ni Tito Boy.

Matapos ang "Fast Talk," tinawag na rin ni Tito Boy si Dina, na una palang nagsabi tungkol sa pagiging hawig nila ni Heart.

"Para siyang Heart Evangelista, Very cute, very pretty," anang batikang aktres.

Sinabi ni Lexi na nanlalamig ang kamay niya sa nerbiyos nang kamayan si Dina.

"It's such an honor," ani Lexi na makilala nang personal ang aktres na orihinal na gumanap sa karakter niya sa Underage.

Masayang ibinahagi ni Dina ang kuwentuhan nila ni Lexi at naikumpara na balot na balot sila sa Underage series, habang nakapag-bikini naman sina Dina sa poster ng kanilang Underage movie.

Kasama ni Lexi sa serye ng Underage sina Hailey Mendes at Elijah Alejo; habang sa pelikula, kasama ni Dina sina Maricel Soriano at Snooky Serna.

Panoorin ang naturang episode kung saan sinagot ni Lexi ang tanong na anong pangalan ang nakasulat ngayon sa puso niya. --FRJ, GMA Integrated News