Naging agaw-pansin sa Kalamansig, Sultan Kudarat ang isang bagong kasal na nakitang sakay ng isang dambuhalang payloader na mistulang ginawa nilang wedding car.

Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Martes, sinabi ng kumuha ng larawan ng bagong kasal na nagulat siya nang sakyan ng bride at groom ang payloader matapos silang dumalo sa isang mass wedding.

Ini-upload niya sa Facebook ang naturang larawan na nag-viral at kinagiliwan ng netizens.

Paliwanag naman ng bagong kasal, masukal ang daan papasok sa lugar kung nasaan ang kanilang wedding reception kaya payloader ang kanilang ginamit na sasakyan. --FRJ, GMA News