Dalawang lalaki ang nahuli-cam na nagnakaw ng ulam sa isang tindahan sa Nagcarlan, Laguna.

Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team," makikita sa kuha ng CCTV ang dalawang suspek na tumigil muna sa harapan ng tindahan at nag-usap.

Maya-maya lang, tila pumipili na ng ulam ang isa sa mga suspek at labas-pasok na tindahan.

Nang makakuha ng tiyempo, doon na umano kinuha ng suspek ang ulam na itinago sa kaniyang likuran.

Hindi pa alam kung magkano ang halaga ng tinangay nitong ulam.

Sinabi naman ng mga awtoridad, hindi daw residente sa kanilang lugar ang mga kawatan ng ulam.--FRJ, GMA News