ADVERTISEMENT
Filtered By: Cbb
Community Bulletin Board

BBC's Planet Earth Series: 'Shallow Seas' on GMA News TV 


BBC’S “PLANET EARTH: Shallow Seas” Airing Date: AUGUST 18, 2012, SATURDAY at 10 PM  
 
This Saturday on BBC’s biggest natural history series Planet Earth, discover the world in our planet’s shallow seas, where the vast majority of marine life on earth thrives. GMA News TV’s airing on August 18, Saturday, is narrated in Filipino by news anchor and environmentalist Raffy Tima.   The coral reefs in tropical Indonesia reveal that they are one of the richest in the world. They are home to fantasy-like creatures such as the head-butting pygmy seahorse, the flashing ‘electric’ clam and bands of 30-strong sea snakes, which have never been filmed before as they hunt in packs, using cunning strategy.   This episode uncovers mysterious giant colonies of seabirds nesting in the baking desert in Bahrain and ingenious surfing dolphins, that have learned to hydroplane right up onto the beach to catch their fish. Diving with balletic sea lions among vast swirling bait balls of anchovy, the greatest gathering of seabirds and whales in the ocean are filmed for the first time as they gorge on krill.   New underwater time lapse photography developed for Planet Earth reveals extraordinary events normally too slow to register. Plagues of sea urchins fell great aquatic forests of giant kelp, and star fish are shown on the rampage - including the world’s biggest, the giant sunflower starfish, a monster in its world.   With new ultra high-speed photography, the lightning ambushes of great white sharks on seals are slowed down as they leap out of the ocean to catch their prey. And there’s heart-stopping drama too. Gigantic fur seals attack king penguins, who despite their severe weight disadvantage, put up one of the most spirited defenses ever filmed.   Planet Earth “Shallow Seas” airs this Saturday, August 18, 10PM on GMA News TV Channel 11.  

Ngayong Sabado sa pinakamalaking natural history series ng BBC, ang Planet Earth, tuklasin ang mundo ng mabababaw na bahagi ng dagat sa ating planeta, kung saan naninirahan ang karamihan sa mga lamang-dagat sa mundo. Mapapanood ang Planet Earth “Shallow Seas” sa GMA News TV ngayong Sabado, ika-18 ng Agosto, sa pagsasalaysay sa Filipino ng mamamahayag at environmentalist na si Raffy Tima. 

Ang mga coral reef sa Indonesia ang isa sa mga pinakamayayamang reef sa buong mundo. Makikita rito ang mga kakaibang nilalang tulad ng nag-uumpugang pygmy seahorse, ang kumikislap na ‘electric’ clam, at malaking grupo ng mga sea snake na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakuhanan sa camera habang sama-samang nanghuhuli ng makakain sa ilalim ng dagat.   Makikita rin sa episode na ito ang misteryosong kawan ng mga seabird na namumugad sa napakainit na disyerto sa Bahrain at ang matatalinong mga dolphin na natutong mag-hydroplane o magpadausdos hanggang sa napakababaw na tubig malapit sa dalampasigan para humuli ng isda. Sa unang pagkakataon, nakuhanan rin ng Planet Earth ang pinakamalaking pagtitipon ng mga seabird at mga balyena habang nanginginain sa karagatan.   Sa pamamagitan ng makabagong time lapse photography sa ilalim ng dagat, pinakita rin ng Planet Earth ang ilang mga nakamamanghang pangyayari na karaniwa’y masayadong mabagal para maipakita nang buo sa telebisyon. Binuwag ng mga sea urchin ang malalawak na gubat nggiant kelp. Makikita rin ang malaking pagtitipon ng mga starfish, kasama na ang pinakamalaki, ang giant sunflower starfish, na kilabot sa kanyang mundo sa ilalim ng dagat.   Gamit ang ultra high-speed photography, naipakita ang istratehiya ng great white shark sa panghuhuli ng mga seal. Makapigil-hininga naman ang aksyon habang tinatangkang hulihin ng malalaking fur seal ang mga king penguin. 'Di hamak na mas malaki ang mga seal, pero matindi ang pakikipaglabang ginagawa ng mga penguin para makaligtas.       Mapapanood ang Planet Earth “Shallow Seas” ngayong Sabado, ika-18 ng Agosto, 10PM sa GMA News TV Channel 11.