Personal Information
Birthdate: May 18, 1976
Age on election day: 48 years old
Birthplace: Binangonan, Rizal
Residence: Barangay Malakaban, Binangonan, Rizal
Civil status: single
Profession/occupation (as stated in COC): mangingisda
Other info:
Mother: Carmen Arambulo
Father: Ronilo Arambulo
Education
-
Elementary, Malakaban Elementary School (Batch 1988-1989)
-
High School, Janosa National High School (Batch 1992-1993)
-
College
-
BS in Criminology, University of Manila (first year, 1995-1996)
-
BS in Secondary Education, University of Rizal System - Angono (first year, 2005-2006)
Career
-
Fisherman
-
Barangay kagawad, Barangay Malakaban, Binangonan, Rizal (2013-2019)
-
Organizer and fisherfolk leader
-
Member, Anakbayan (2005-2006)
-
Chairman, Anakpawis-Binangonan (2010)
-
Chairman, Anakpawis-Rizal (2012)
-
National vice chairperson of Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) (since 2023); has been a member of the fisherfolk rights group since 2007
Candidacy in the 2025 Philippine elections
Position sought: Senator
Party: Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan)
Period of residence in the Philippines up to the day before May 12, 2025: 48 years 11 months
Registered voter of: Barangay Malakaban, Binangonan, Rizal
Official website/social media platforms
-
Facebook Page: https://www.facebook.com/ronnelarambulo2025/
-
Facebook User ID: 408044782388860
-
Website: www.ronnelarambulo.org
-
Instagram: @ronnelarambulo
-
X: @ronnel_arambulo
-
TikTok: @ronnelarambulo2025
Campaign platform (verbatim)
Nakabalangkas ang plataporma sa tunay na reporma sa pangisdaan kung saan ang sentral na layunin at batayang prinsipyo ang pagbubuwag sa monopolyo-kontrol ng mga mapagsamantalang lokal at dayuhang negosyo sa mga pook-pangisdaan, yamang-dagat, at baybayin, habang kikilalanin ang eksklusibong karapatan ng mga maliliit na mangingisda at mamamayang Pilipino sa mga naturang rekurso.
Agenda sa Sektor ng Pangisdaan
1. Isusulong ang eksklusibong karapatan ng mga maliliit na mangingisda sa mga munisipal na pook-pangisdaan at baybayin
-
Kikilalanin ang karapatang makapangisda ng mga maliliit na mangingisda sa 15-kilometrong munisipal na pangisdaan.
-
Ipaglalaban ang karapatan sa panirahan sa mga baybaying-dagat at lawa. Ipagbabawal ang demolisyon at iba pang tipo ng sapilitang pagpapalikas sa mga mangingisda.
2. Pagbuwag sa monopolyo-kontrol ng mga malalaking negosyo at dayuhan sa pook-pangisdaan
-
Mahigpit na ipagbabawal ang mga komersyal na pangisdang may bigat na 3.1 gross tons pataas sa mga munisipal na pangisdaan. Kabilang dito ang mga mapanirang paraan ng pangingisda tulad ng trawl, baby trawl, sudsod, super lights, pangulong, atbp.
-
Paglimita sa mga pribadong akwakultura at palaisdaan na saklawin ang mga komunal na pangisdaan. Mahigpit na ipapatupad ang 10% carrying capacity, partikular sa mga inland water, para sa mga akwakultura.
3. Papawiin at rerepasuhin ang mga umiiral na batas at polisiya sa pangisdaan na pahirap sa mga maliliit na mangingisda
-
Isusulong ang pagpaparepaso sa mga kontra-mangingisdang batas tulad ng Fisheries Code of 1998 at mga amyenda nito. Sa minimum, ipapawalambisa ang mga mapanupil na probisyon tulad ng zoning ordinance, fishpond and foreshore lease agreement, at ang mga idinagdag na amyenda laban sa mga tinaguriang illegal, unreported, and unregulated (IUU) fishing na sa aktwal ay pagsupil sa mga maliliit na mangingisda.
-
Ipapatigil ang importasyon ng isda na lubhang nakakaapekto sa lokal na mga mangingisda. Sa halip, pauunlarin ang lokal na produksyon at aabandunahin ang mga polisiyang lumilikha ng artificial shortage katulad ng mga walang batayang fishing ban at closed season. Pauunlarin rin at itataguyod sa mga lokal na palengke ang iba’t ibang klaseng isda na alternatibo sa karaniwang inaangkat tulad ng galunggong, bonito, mackerel abtp.
4. Kikilalanin ang mga batayang karapatan ng mga manggagawa sa mga barkong palakaya at malalawak na palaisdaan
-
Papawiin ang mga di-pantay na kaayusan sa mga malalaking barkong palakaya at malalawak na palaisdaan na mapagsamantala sa mga manggagawang mangingisda.
-
Isusulong ang seguridad sa paggawa (security of tenure) at iba pang benepisyo para sa mga manggagawang mangingisda.
-
Papawiin ang di-pantay na hatian
5. Papawiin ang mapagsamantalang sistema ng konsignasyon at di-makatwirang presyuhan sa mga produkto ng mangingisda
-
Itutulak ang pamahalaan, sa pamamagitan ng DA-BFAR, na tupdin ang mandato nitong direktang bilhin ang produkto ng mga mangingisda sa makatwirang halaga
6. Ipapatupad ang balanse at sustenableng pangingisda at pangangalaga sa kalikasan
-
Mahigpit na ipagbabawal ang mga mapanirang proyekto tulad ng reklamasyon, dredging, offshore mining, at lahat ng anyo ng kumbersyon at pribatisasayon.
-
Ipagbabawal ang mga mapanirang pamamaraan ng pangingisda (cite illegal methods)
-
Masusing pag-aaralan ang pagpapatupad ng mga marine protected area at marine sanctuary na hindi sasagka sa kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda.
-
Kokonsultahin kapwa ang mga mangingisda at progresibong siyentista sa kung anong mga lugar ang nararapat na isailalim sa MPA.
7. Pagpapalakas ng lokal na produksyon sa pamamagitan ng sistematikong suporta ng estado lalo sa panahon ng kalamidad at iba pang pang-ekonomikong krisis
-
Maglalaan ng karampatang pondo para sa subsidyo sa mga mangingisda sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo, Habagat, at iba pang krisis pang-ekononiko tulad ng inflation
-
Hindi bababa sa P15, 000 production subsidy kada buwan na hindi makapalaot, para maibsan ang nawalang kita ng mangingisda. Nakabatay ang halaga sa average na kita ng isang mangingisda sa kada buwan
8. Nagsasariling patakarang panlabas
-
Itataguyod ang patakarang panlabas na nagsasarili at hindi nakasandig sa dayuhan.
-
Isusulong ang pagbaklas sa mga makaisang-panig at makadayuhang kasunduang pangkalakalan, pang-ekonomiya, at pangmilitar na nagtatali sa Pilipinas sa dikta ng dayuhan
9. Isusulong ang proteksyon ng mga Pilipinong mangingisda sa ating teritoryal na pangisdaan, mula sa pang-aabuso ng mga dayuhan.
Election history
|
ELECTION YEAR |
POSITION SOUGHT |
PARTY |
OUTCOME |
|
2013 |
Barangay Kagawad, Barangay Malakaban, Binangonan, Rizal |
Independent
|
won
|
Sources:
Personal Information
Sources: 2025 COC, candidate’s bio
Education
Source: candidate’s bio
Career
Sources: candidate’s bio, www.ronnelarambulo.org
Candidacy in Eleksyon 2025
Sources: COC, Comelec
Election history
Sources: candidate’s bio, Philippine Journal of Social Development