ADVERTISEMENT
Filtered By: Hashtag
Hashtag

Isko Moreno answers no-holds-barred questions in #AskAway




Manila Vice Mayor Isko Moreno took time out of his busy schedule to answer questions for #AskAway in the official Facebook account of GMA News on Tuesday. He answered questions from Facebook followers, never shying away from controversy.
 
 
 

Dodz Isa Batas: vice mayor. ano po msbi nyo s mga pulitikong umipal n nmn s tarpulin n s pgbisita dto ni pope frances. nlagay p tlaga name nla.
 
VM Isko Moreno: Dapat makinig tayo sa panawagan ng CBCP na ang mga pulitiko ay isang tabi muna ang kanilang mga personal political interest.


Ralph Romnicz Camotes Laurente: Vice Mayor Isko, kung makakapanayam mo si #PopeFrancis ano ang una mong sasabihin sa kanya about sa ating #Pilipinas?
 
VM Isko Moreno: Tama po kayo, maraming salamat po, napakahirap po ng paghahanda and we are trying to do our best.


Christine Almazora PoncedeLeon: Sino sino po ang pwede makapasok sa MOA arena on January 16? Meeting with the families with Pope francis. #askaway
 
VM Isko Moreno: Una po, Pasay po yun, pangalawa po ang alam ko ay mga pamilya na pinili ng SM.
 

Patrick Josh Valisno: How is the Skyway Skyway Stage 3 project this year? What is your advise for the drivers even truck drivers? #AskAway
 
VM Isko Moreno: Right on time po ang Skyway project, yung truck driver, behave.
 
 
Randy A. Sergio: Vice mayor isko Moreno ano poh fraternity nyo if Meron man salamat po?!?
 
VM Isko Moreno: Wala po, pero fratingutom, hehe
 
 
Jonas Brix: May plan po ba kayo para bawasan ang mga street children sa maynila.. Or yung mga pamilya na nakatira sa ilalim ng tulay at gilud ng kalsada.. Salamat po
 
VM Isko Moreno: We've been doing it everyday, but because of certain laws, inaabuso ito ng mga magulong kaya pabalik-balik po sila sa kalye, but we will not stop.
 
 
 
Caylene Canlas: Marami pong Pilipino ang nawawalan na ng tiwala sa mga Pilipinong pulitiko. Paano n'yo po pinangangalagaan ang inyong pangalan at imahe? At ano po ang masasabi n'yo sa mga kababayan natin na duda na pati sa mga pulitikong may mabuti namang hangarin?
 
VM Isko Moreno: Basta po araw-araw I'm trying to excel on my fields of undertaking, minsan mahirap, pero you lose some and you gain some. What is important at the end of the day ay yung tungkuling inatang sa akin ay ginagampanan ko sa abot ng aking makakaya.
 
 
Alvis Minon: Paano po ninyo ide-describe ang inyong brand of service and leadership? #AskAway
 
VM Isko Moreno: Pursigido po.
 
 
Basty Lei: bakit po ang yabang nyo magsalita? ganyan lang ba talaga ang pagsasalita nyo o mayabang lang talaga kayo? #AskAway
 
VM Isko Moreno: Siguro hindi n'yo lang gusto ang sinasabi ko, lalo na pag totoo.
 
 
Egroeg Ollirajap: Kung magiging mayor ka ba magaling ka ba? at sa anong aspito ka magaling sa pag papatakbo ng syudad?
 
VM Isko Moreno: Basic services (health, education, housing)
 
 
Manski Cocoy Labs: Vice ask ko lang po when po ma aalis mga rubbyboy malapit sa cityhall. Nakakatakot ksi pag sasakay ng jeep hope ma gawaan ng action thank u..
 
VM Isko Moreno: Nahuhuli naman po araw-araw pero bumabalik lang po, dinadala sila sa DSWD.
 
 
Warren Choppel: VM ISKO, IkAw ba ay trapong pulitiko O natural na balimbing Lang? Sa kabila ng iba ibang isyu na kinasangkutan nyu dati sa cityhall gaya ng Ghost employees, paano nyu mapaptunayan n mataas pa ang kredibilidad nyu bilang Pulitiko?
 
VM Isko Moreno: Dinismiss na po ng Ombudsman ang mga kasong sinampa po sa aking ng mga kalaban ko sa pulitika, you can get a copy in my office. Thank you po sa patuloy niyong pagtitiwala.
 
 
Direk Andrew: Ma-aalis nyo ba ang mga squatter sa Manila? At sa tingin mo ba eh mananalo ka kung walang mga squatter???
Kaya mo ba ang "Kamay na Bakal" ni Mayor Lim??? Yan ang kailangan sa Maynila
 
VM Isko Moreno: Matagal na proseso pero posible po, kaya hindi kailangan ang kamay na bakal. Thank you.
 
 
Rep Lade Zurc: taga tondo po ako bkit po ginawa nyong ptivate ang mga goverment hospital nung panahon ni lim libre lahat wla ng orange card nayan.binoto kopanaman kau ni erap
 
VM Isko Moreno: Libre po ang ospital, hindi po totoo ang tsismis na pinakakalat ng kabila.
 
 
Bert-Merly: Yan Magsimula nang manungkulan kayo ni erap sa maynila nadelay na ang pagdating nang kargamentong sakay nang mga barko at nagkaron nang pagsisikip nang kargamento sa pier, kailan ito maisasaayos?
 
VM Isko Moreno: Ang problema po, port, hindi city government.
 
 
Mario Salvador Capili Jr.: sir sana maalis na mga kotongero na mga traffic enforcer jan sa maynila..sana hands-on kayo para mtgil na..thnx
 
VM Isko Moreno: 74 na po ang natanggal and we will not stop firing kotongeros.
 
 
Alvis Minon: Alin po ang inyong mas mahal: Pagiging artista o pagiging pulitiko? #AskAway
 
VM Isko Moreno: Pareho po. Mas masarap lang ang public service.
 
 
 
Pakpak NgManom: #AskAway - vice, ano po ang usual day-to-day activities po ninyo? Salamat po.
 
VM Isko Moreno: Sa kalye, umiikot para malaman ng personal ang mga suliranin ng kani-kanilang lugar at sa opisina, kausap ang mga pasyente.

— Compiled by the GMA News Social Media Team