ADVERTISEMENT
Filtered By: Hashtag
Hashtag
TRENDING

Papaya Queen admirer rin ni Carrot Man  


'Carrot Man' na si Jeyrick Sigmaton (left) and 80s sexy star Aya
'Carrot Man' Jeyrick Sigmaton (left) and 80s sexy star Aya "Papaya Queen" Medel (right)
 

Naalala niyo pa ba ang tinaguriang Papaya Queen ng sexy movies na si Aya Medel?

Kabilang ngayon si Aya sa dumaraming admirers ng bagong Internet heartthrob na si Jeyrick Sigmaton na mas kilala bilang si Carrot Man matapos makunan ang poging binata ng larawan habang nagbubuhat ng isang kaing na carrots sa bagsakan ng gulay sa Mountain Province.

Hindi naitago ni Aya na isa na ngayong chef at restaurant owner sa Albay ang kaniyang paghanga kay Jayrick sa kaniyang Facebook post.

600
 

Ani Aya, "MOLATO si Carrot Man. Cutie Patootie!!!" 

Dinugtungan pa ni Aya ng hashtag na #imafanofcarrotman ang kaniyang post.

Maging ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ay fan na rin Carrot Man.

Siya pala yung lalaking naging trending kahapon kilala niyo na ba si CARROT MAN? madami nanamang kikiligin sa kanya!Ikaw anong masasabi mo sa kanya?

Posted by Marian Rivera on Tuesday, February 23, 2016

Ito pala yung kwento kaya sobrang nagviral itong si Carrot Man sa mga netizens, Ito po yung tunay niya identity!

Posted by Marian Rivera on Wednesday, February 24, 2016

Ishi-nare ng administrator ng FB page ni Marian ang fan page na kanilang ginawa para kay Carrot Man at niyakag ang mga fans ng Primetime Queen na i-like rin ang page ng bagong Internet sensation.

[OT] Sa mga fans dyan ni Mr Carrot Man LIKE nyo ang page na ginawa namin sa kanya -> https://web.facebook.com/Jeyrick-Sigmaton-Carrot-Man-898066180290976/- Admin Wan

Posted by Marian Rivera on Thursday, February 25, 2016

Hindi na talaga maawat ang pagsikat ni Jeyrick na lalabas ngayong Linggo sa Kapuso Mo Jessica Soho.

Ang post ng KMJS na inaanunsyo ang paglabas ni Carrot Man ay 35,000 na beses nang nai-share at nagkaroon na rin ng 290,000 reactions -- karamihan ay likes -- sa oras na ipino-post ang artikulong ito.

Matapos ang magdamagang pagcontact at paghahagilap sa kanya, Miyerkules ng umaga, natunton na ng aming team si Jeyrick...

Posted by Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) on Thursday, February 25, 2016

Napakahaba na rin ang mga comment thread sa iba't ibang FB posts kay Carrot Man.

Sa post na kung saan kasama ni Jeyrick ang mga pulis ng Barlig Municipal Police Station, sinabi ni  Archimedes Laquindanum Abero na si "Carrot Man" ay nasa kustodiya ng pulisya dahil siya ay "Guilty of illegal possession of admired face".

Sinusugan naman ito ni Chabelita Geda Herrera. Aniya,  "It's more fun in Mt.Province with The Carrot Man,and take note pati mga police :)"

It's more fun in Mt.Province with The Carrot Man,and take note pati mga police :)

Posted by Chabelita Geda Herrera on Thursday, February 25, 2016

Karamihan rin sa mga comment ay nagpakita ng paghanga kay Carrot Man.

Meo Avestruz: "Yung point kasi dun eh hindi lahat ng gwapings eh pag aaudition para maging artista ang inaatupag. Itong binata na ito eh talagang nagsusumikap para makatulong sa pamilya. Likas sa mga taga Mountain Province ang pagiging masipag."

Joycekie Diamond: "I agree..tama ka po bro.dahil sa kanyang kasipagan plus pogi points kaya hinangaan sya..unlike other kids na walang tyaga sa pagsusumikap panu makatulong sa pamilya. He raised up by his parents so well..kaya thumbs ako sa kanyang kasipagan."

Maria Grace Zuniega Alambra: "likas talaga sa mga igorot ang mga masipag magaganda at guwapo...

Andeng: "Yung pinsan ko pinagbuhat ko na ng upo, talong, okra ampalaya. Kamatis, patola, sitaw,kalabasa, pati na rin bagoong at alamang pero di pa din nadidiscover!! Justice must be served. Hhaha"

Eloisa Abad: "Wag kang mag artista gugulo ang life mo. Wag mo din bguhin itsura mo pra lng sa mga tao. Mas simple mas msaya. Hope n mging inspirasyon ka ng kbataan. Alam ang hlga ng pamilya. Hindi puro papogi."

Nhörmz Ngayawan: "Everything happens for a reason talaga.  Isang rason ay para maeducate ung ibang may misconception about us Igorots na kami daw ay maiitim at may buntot and curly hair hihi....go Jeyrick itaas ang bandera ng mga Igorots"

Yui Mei LA: "Para sa akin po just stay as a carrot man, marangal naman na pamumuhay yan. Anyways sikat na sya huwag na lng udyukan na mag showbiz o ano pa man.I think masaya naman sya sa buhay niya. Totoo the Cordillerans are really good looking mali po yung notion ng iba na kapag Igorot o kahit ibang ethnic minorities pangit na. Marami pong nakatagong ganda sa mga ito. I can attest to that b-coz my ancestors comes from an ethnic minority in Mindanao. I want this boy to live a normal life. Hindi naman ako selfish para sa kanya, siya rin naman ng magdedesisyon in the end.Basta just keep ur feet on the ground carrot man.. God bless to you..."

Michiko Asuncion Shimada: "Ang maganda rin dito eh nabibigyan ng dignidad ang lahat ng uri ng trabaho di ba? Akala kasi nila porke magsasaka, ganun ganun lang. Masyado kasi tayong tumitingin sa mga glamorous na bagay."

Lendsy Salcedo: "plus pogi points kay carrot man:) hindi lahat ng gwapings are seeking for public exposure and attention:) si carrot man ay isang idol:) he is confidently handsome with the heart for his family:) Yan ang totoong lalake:) 

Patok rin maging sa Visayas ang charisma ni Carrot Man. 

Ani Minerva Gerodias ng public affairs section ng Metro Cebu Water District sa kaniyang post sa lengguwaheng Cebuano: 

Translation: Napakaguwapo ng batang ito. Maging ang anak ko ay nagtanong kung papayag ba daw akong maging boyfriend niya si Carrot Man. Sinagot naman siya ng kaniyang Papa na 'O, kasi mabubuhay ka naman dahil guwapo" (KJ si Papa) hehehe ... o hala, kayong mga nagpa-planong pumunta ng Sagada para madaanan nyo si Carrot Man at tikman ang kaniyang carrot, abangan nyo ang (Kapuso Mo Jessica Soho)"

APG, GMA News