Pagpupugay sa isang dakila ngunit limot na Pangulo
Monday, November 16, is the 125th birth anniversary of President Elpidio Quirino.
Ang kanyang apelyido ay pangalan ng isang probinsya at dalawang pangunahing kalsada sa Kalakhang Maynila—ang Quirino Highway at ang Quirino Avenue. Dahil halos dinadaanan na lamang ang kanyang pangalan, hindi na napagtatanto ng karaniwang Pilipino kung bakit siya itinuturing na dakila.
Ang November 16, 2015 ay Elpidio Quirino Day
Ipinagdiriwang ng bansa ngayong araw ang ika-125 taong kaarawan ni Pangulong Elpidio Quirino, na isinilang sa Vigan noong 1890. Noong Pebrero, pinirmahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Proclamation 967, na nagtatakda na ipagdiwang ito ngayong taon bilang President Elpidio Quirino Day.

Kanina, nagkaroon ng ng pagtatataas ng watawat at pagaalay ng bulaklak sa Plaza ng Vigan, bayan na sinilangan ni Quirino, na sinundan ng isang banal na misa sa Katedral ng Vigan.
Kicking off the #QuirinoAt125 celebration here in Ilocos Sur with a commemorative flag ceremony and program by the local...
Posted by President Elpidio Quirino Foundation on Sunday, November 15, 2015
Nagkaroon din ng pagpapasinaya ng PEQ Vigan City Archival Center at ng Quirino Childrens Park sa Pandan, Caoayan na lalahukan ng lahat ng kanyang mga apo. Muli ring inilibing ang mga labi ni Don Mariano Quirino, ama ng pangulo, sa New Caoayan Public Cemetery.
A posthumus award from the Order of the Knights of Rizal is given to the late President Elpidio Quirino as a sign of the...
Posted by President Elpidio Quirino Foundation on Sunday, November 15, 2015
Happening now is another tribute by the City of Vigan to their Apo Pidiong, the Inauguration of President Elpidio...
Posted by President Elpidio Quirino Foundation on Sunday, November 15, 2015
The #QuirinoAt125 celebration continues as we spend the afternoon with the kids here in Caoayan, Ilocos Sur for the...
Posted by President Elpidio Quirino Foundation on Sunday, November 15, 2015
And then suddenly, the whole Vigan Plaza breaks into a flash mob to a dance remix of #QuirinoAt125 's official song '...
Posted by President Elpidio Quirino Foundation on Monday, November 16, 2015
What's a more perfect way of ending the 125th Birthday afternoon of President Quirino than to spend it inside the place...
Posted by President Elpidio Quirino Foundation on Monday, November 16, 2015
Nauna na dito, nitong April 17, 2015, inilunsad ng President Elpidio Quirino Foundation ang EQ AT 125 na may temang “Guro to Pangulo: One Educator’s Journey to Greatness.” At bakit hindi? Kahit na tinatawag na “Father of the Philippine Foreign Service” ng mga historyador, nagsabatas ng Central Bank Act of 1948 at ng Magna Carta for Labor, nagmula si Quirino sa humble beginnings.
Unang nagsilbi sa pamahalaan bilang guro
Hayskul pa lamang si Quirino nang noong 1906, kinuha na siyang maging guro ng isang semestre nang mangailangan ang barrio ng Caparia-an sa La Union ng elementary teacher. Araw-araw kinailangan niyang lumakad ng limang kilometro mula sa Agoo at tumatawid pa sa isang creek, ayon sa kanya, ang nagpapalakas ng kanyang loob ay naiisip niyang ang ginagawa niya ay katulad nang paglakad rin ni Abraham Lincoln para pumasok sa eskuwela.
Mga aktibidad para sa EQ AT 125
Bahagi ng maraming nakahandang aktibidad na pangungunahan ng mga kaanak ni Quirino ang “Teachers Happy and Healthy Day sa mga SM Malls;” gayundin ang usapang “EQ” sa iba’t ibang paaralan sa bansa.
Mayroon ding isang eksibit ngayon sa Ayala Museum na nagpapakita ng 125 mga larawan ni Pangulong Quirino na pinamagatan “Defining Quirino.”
Celebrate the life and times of President Elpidio in our new free exhibition: Defining Quirino.7-28 November 2015
Posted by Ayala Museum on Saturday, November 7, 2015
Inilabas din ang komiks na “Kuwentong Quirino,” mga billboard na naglalaman ng kanyang mga kasabihan mula sa kanyang mga talumpati, at isang aklat na naglalaman ng mga aktuwal na sulat ng pag-iibigan ng mag-asawang Elpidio at Alicia Syquia Quirino, ang kanyang kabiyak na pinatay ng mga Hapones kasama ng tatlo sa kanilang anak noong Labanan Para sa Liberasyon ng Maynila noong 1945.
Bumalik din sa hapon ng November 14, 2015 sa Ayala Museum ang mga kaanak at mga nalalabi sa 6,000 Ruso na kinupkop ni Quirino noong 1949 nang manganib sila sa Tsina noong himagsikan doon. Si Quirino lamang at ang maliit at mahirap nating bansa ang kagyat na tumanggap sa kanila, at dahil dito nailigtas sila sa tiyak na panganib.
#NowHappening"Salamat, Pangulong Quirino!"The homecoming of the White Russian refugees to Tubabao@quirinoorg @filipinasheritagelibrary #Quirino125
Posted by Ayala Museum on Friday, November 13, 2015
Nagkaroon din ng mga lektura na nagbalik-tanaw sa naging pamumuno ni Quirino na ibinahagi nina Mareng Winnie Monsod (Economy), Jaime Laya (Education), Ricardo José (Diplomacy), ang inyong lingcod (Pagsaklolo sa Demokrasya noong Korean War) at marami pang iba.
Ang popular na historyador na si Ambeth Ocampo ay nagbigay din ng lektura ukol sa pagpapatawad at pagpapauwi ni Quirino sa mga sundalong Hapones na gumawa ng krimen noong para sa pagpapatuloy ng pagkakaibigan ng bansang Hapon at Pilipinas sa kapakinabangan ng bayan. Ito ay sa kabila ng mapait niyang karanasan sa halos pag-ubos nila ng kanyang pamilya.
Ipinapaalala ng mga aktibidad na ito ang mensahe ni Quirino nang mamatay ang Pangulong Roxas at magsimulang maging pangulo noong 1948, “Tolerance, Goodwill, and Love” na walang dudang kanyang isinabuhay.
Guro to Pangulo Award
Noong September 17, 2015, sa Kalayaan Hall ng Palasyo ng Malacañan, iginawad sa labing-isang natatanging mga guro mula sa mga paaralan sa buong bansa na nakapangalan kay Pangulong Quirino ang “Guro to Pangulo Award” na naglalayong kilalanin ang mahalagang ambag ng mga mahuhusay na mga gurong ito sa pag-unlad ng kabataang Pilipino.
Ang labing-isang guro na may “contribution to education,” “dedication and integrity,” “commitment to the youth,” “selfless service” at “impact to the community” ay sina:
- Mary Jane Donesa ng Elpidio Quirino Elementary School, Davao City;
- Rita Embang ng Elpidio Quirino Elementary School, Baguio City;
- Orden Cayso ng Elpidio Quirino Elementary School, Baguio City;
- Vilma Quirog ng Elpidio Quirino Central School, Sultan Kudarat;
- Erwin Llavore ng President Elpidio Quirino National High School, Agoo, La Union;
- Rodel Rivera ng Quirino High School Quezon City;
- Gema Jarata ng President Elpidio Quirino National High School, Agoo, La Union;
- Ma. Concepcion Domingo ng Quirino General High School, Quirino Province;
- Daisy Santos ng Quirino High School Quezon City;
- Evangline Dasalla ng Elpidio Quirino Central School, Sultan Kudarat; at
- Val Gawi na mobile teacher sa Quirino Province.
Sila ang patunay na ang bawat ordinaryong guro ay bayani sa kanilang araw-araw na pakikibaka laban sa kamangmangan at kahirapan. Na nabubuhay sa kanila ang diwa ni Pangulong Quirino na humarap sa maraming hamon subalit patuloy na nagsilbi ng tapat at mahusay.
Ayon nga kay Gregoria de Jesus, kabiyak ng unang pangulo, Andres Bonifacio, “Igalang ang mga gurong nagpapamulat ng isip pagka’t kung utang sa magulang ang pagiging tao ay utang naman sa nagturo ang pagpapakatao.”

— BM, GMA News
Si Prop. Michael Charleston “Xiao” Briones Chua ay kasalukuyang assistant professorial lecturer ng Pamantasang De La Salle Maynila. Isa siyang historyador at naging consultant ng GMA News TV series na Katipunan at Ilustrado. Ang sanaysay na ito ay batay sa kanyang news segment sa “Xiao Time: Ako ay Pilipino” sa istasyong pantelebisyon ng pamahalaan.