ADVERTISEMENT
Filtered By: Lifestyle
Lifestyle

‘Dead Balagtas’ author Emiliana Kapilan discusses history, revisionism


It seems lately that every trend has made a comeback—first it was reboots and remakes, then it was fashion pieces like crop tops and chokers, and then came...fascism?

If history is repeating itself, perhaps it's time to explore the past and the mistakes we made then, to save us from either ruining our hair again with crimping or living through another dictatorship.

Merging the recently concluded National Arts Month and this March's National Women's Month, GMA News Online sought a conversation with the author behind "Dead Balagtas," who goes by the moniker Emiliana Kapilan. In her comics, the famous poet Francisco Baltazar is drawn as a skeleton, unearthed by the author to narrate history...or a version of it that focuses more on what's said between the lines.

There's precolonial flirting, a fictionalized encounter between Jose Rizal and O Sei San, and the woes of the "puppet president" Jose P. Laurel—slices of Philippine history, told in strips. It is a topic we're conditioned to meet with a groan, but the presentation in this more casual medium challenges the idea that our past is consumed only to pass an exam.

The comics isn't completely based on facts, which makes it an interesting study of art as a tool to tell the truth without being bound to it. Emiliana highlights the humor in our history—an encouragement to see it in a new perspective. Ateneo De Manila History Department Instructor Michael Pante in a previous interview cautioned that the strips "cannot become a source of historical knowledge" and Kapilan concurs.

"Aminado po ako na delikadong gawing basis ng kaalamang pangkasaysayan ang komiks ko, lalo pa't nakasalalay ang maraming punchline ko sa humor through anachronism," she told GMA News Online. "Gayunpaman, gusto kong i-challenge rin ang claim na ito sa parating na Volume I ng aking komiks."

In an e-mail exchange, Emiliana discussed history and revisionism with clarity, and conviction.

Kadalasan nagsisimula ang usapan sa pag-iisip na "boring" ang kasaysayan at kailangang gawan ng paraan para maging mas kaayaaya ito. Ano ang nawawala dahil sa pag-aakalang ito?

Kagaya ng marami pang bayan na nasalanta ng ilang siglo ng imperyalismo at giyera, mayroon tayong mga Pilipino nung tinatawag nina [Émile] Durkheim na "collective trauma" o "cultural trauma." Deep-seated ito sa collective consciousness ng bayan.

Inter-generational itong naipapasa. Gaya nga rin ng sa indibidwal na trauma, nagdudulot ito ng maraming pangit na psychological effects gaya ng mababang self esteem o mababa ang tingin sa sarili dulot ng internalized na oppression (crab mentality) at in general ay diskoneksyon ng mamamayan sa kolektib na identidad o sa bayan.

Kaya rin hindi mahilig tumanaw sa nakaraan ang mga Pilipino dahil rito.

Ang solusyon ay ang tinatawag na "proseso ng decolonization"—malaking bahagi nito ay ang pagconfront sa masakit na nakaraan at selebrasyon ng survival at resilience nila at ng kanilang community mula sa colonization at oppression nila. Mula rito, mapapalakas ang pagkakaisa ng komunidad at identidad ng mamamayan.

Kailangan i-transform o hulmahin ang narrative of grief and oppression into a narrative of healing at struggle, at para maggawa iyon, kailangan alamin ang kasaysayan ng bayan. Hangga't 'di natin ito ginagawa, mananatili tayong neo-kolonyal na alipin ng dalawang diyos-diyosan: mga imperyalistang bansa gaya ng US, China, at ng Russia, at alipin ng sarili nating nakaraan—walang sariling boses, at estranghero sa sarili nating bayan.  

Ano rin ang nawawala sa paglilinis sa alaala ng mga tinuturing na bayani? Halimbawa na lang, si Jose Rizal na ang isinulong ay maging probinsya ang Pilipinas at hindi tunay na pagtiwalag sa Espanya. Mayroon ding mga katulad ni Diego Silang na ang ipinaglaban din ay ang pagkilala ng simbahan sa mga Indio at hindi rin kalayaan. Tapos si Juan Luna na nakakaloka ang pagtrato sa mga babae.

Nawawalan ng malusog na kaalaman tungkol sa sarili at sa bayan ang mga tao at magiging bound lang tayo ulitin ang mga mali ng ating mga ninuno. Kumbaga e, mayroon tayong hindi kumpletong kwento, at ang mga "bayani" ay nawawalan ng pagkatao at nahuhulog sa pagiging pawang icon.

Hindi rin kasi maganda ang glorification of personality, kasi it detracts people from the fact na ang pagbabago sa lipunan ay dulot ng kilusan ng mga tao at ng pagbubungguan ng mga ideyolohiya—hindi ng iilang "talentado" na tao.

Bukod pa roon, white washing of heroes naman kasi ay kadalasan may kaakibat na pulitikal na akma. Halimbawa, maganda 'yong argument ni [Renato] Constantino sa "Veneration without Understanding" na ang adulation kay Rizal dahil sa kaniyang mapayapang "rebolusyon"  ay detrimental sa pagkilos at pagkamulat ng mga api—lalo na ng mga proletariat—dahil it sets a standard of how to express dissent. Kahit sobrang binubusabos na, dapat mapayapa pa rin.

Kahit ang mga Katipunero ay may mga sala na dapat pag-usapan: iginiit at pinaglaban ng mga babae ang membership nila into the Katipunan kasi boy's club ito dati. May mga kaso—nireport mismo ni Mabini ito—na nirerape ng mga Katipunero ang mga babae ng mga niliberate at pinagtatanggol nilang mga bayan, bilang "kabayaran"  sa "kabayanihan" nila. Tinatago ang kultura ng rape dahil patriyarkal ang lipunan at ayaw magpahulog sa pagkaluklok sa puwesto ng gahum.

Dapat ilabas lahat ng baho. I-exorcise ang bayan mula sa mga kasalanang ito nang hindi na maulit. Nang maiwasan na natin.

Pumatok ang "Heneral Luna" sa mga tao noong una itong lumabas, ngunit ngayon parang balik sa dati. Saan ito nagtagumpay, saan ito nagkulang? Bilang isang manunulat din na sa kasaysayan ang tuon, ano nga ba ang kuru-kuro mo sa pelikulang ito?

Entertaining ang "Heneral Luna"  at matagumpay nitong namulat ang mga tao sa Philippine-American War. Maganda rin na na-discuss nito ang problema ng factionism at ang makasariling interes ng uring elite, na sanhi ng pagkakawatak ng bayan. Maganda rin na hinihingi nitong maging mapag-siyasat ang mga viewers tungkol sa tunay na ibig sabihin ng kabayanihan, at hinihingi nito sa viewers na tingan ang mga bayani ng Pilipinas bilang tao.

Ang problema ay ang simplistiko nitong patriyotismo na tayo laban sa kanila at itong very macho brand ng patriyotismo na nag-uugat sa militaristikong pananaw; handang pumatay at umupak nang kahit sino para lang sa bayan (kahit kakampi mo na dapat).

Napakadaling i-adapt ng naratibong ito sa pasismo; masdan natin ngayon ang brand of patriotism ng Duterte Youth at sa mga maka-Marcos—'yan rin ang uri ng patriyotismo ng "Heneral Luna", taken to an extreme. Masyadong black and white.

Kahit pinakita ang "humanity" at mga "kahinaan" ni Luna bilang tao (pero salat ang film sa kaniyang political shortcomings), in the end mahal pa rin ng manonood si Luna dahil "justified" ang kaniyang pagka-barako. Tandaan na si Marcos mismo, isa sa mga justification ay grounds na para i-isyu ang martial law ay to protect national sovereignty.

Nitong taong ito, nang ironically e mabuksan ni Duterte ang isyu ng Bud Bajo habang sinasabi sa mga namatayan noong Martial Law na "mag-move" on (e diba logic dictates na mas ‘di dapat limutan yung more recent event),  kumakalat yung "Heneral Luna" memes and pics,  at ginagawa siyang simbolo ng anti-imperialism.

Pero in relation sa previous question tungkol sa glorification of personality—kalokohan itong isinilang ng pelikulang iyon dahil si Luna mismo ay KONTRA kina Bonifacio. Kasama siya ng mga Ilustrado na nag-disown sa Katipunan na isang tahasang anti-imperialist na institusyon.

Inalok siya ng membership nina Bonifacio, ayaw niya kasi 'di nila feel makisama at maging independent kung matatanggal rin ang mga pribilehiyo nila bilang mga Spanish-educated na elitista.

Mahirap rin kasi sa totoo lang mag-subscribe sa argumento nina [chief army engineer Jose] Alejandrino (na in the first place ay BIAS kay Luna) na he redeemed himself sa second phase ng Philippine Revolution, kasi this ignores the issue na hindi naman na-address ever at na naging complacent sina Luna sa pagkakaroon ng ideological struggles na naka-base sa unaddressed class struggles within the Katipunan. Ito ang nagpahina sa entirety ng movement. At hanggang ngayon binubulabog pa rin ang bayan nitong unaddressed issues na ito.

Paano nga ba lalabanan ang kolonyal na pag-iisip sa panahong halos hindi mo na napapansin na kolonyal ka na?

Kailangan talaga mulatin ang sarili at ang bayan. Pero ang mahirap nga po rito ay kapag ang mga politikal na istruktura at ahensiya mismo ay produkto at nagpapalaganap ng mga kolonyal na pananaw.

Halimbawa, ang pamanang pyudalismo na dinala ng mga Kastila ay ugat ng kawalan ng genuine land reforms sa Pilipinas, at effectively, e nariyan pa 'yang Hacienda Luisita, Yulo, atbp. at priority pa rin ang cash crop para kumita ang mga panginoong may-lupa imbis na ang food security ng mga Pilipino.

Kapag ang gobyerno mismo ay kakampi ng mga Marcos at nangunguna sa pangwa-white wash, kaya't patuloy ang pagkakaroon natin ng kultura ng impunidad.

Tunay, hindi na sapat ang maging "self-conscious." Ang solusyon ay ang pagkontrol mismo ng taong-bayan sa means of production. Ang pagwawakas at pagpapalit sa mga bulok at pyudal na institusyong ito at ang pagkontrol mismo ng mamamayan sa means of producing culture.

Ano ang tungkulin ng sining sa panahong tila namamayagpag ang historical revisionism at alternative facts? Saan nakalugar ang mga komikero dito?

Tungkulin ng sining palagi ang magpalaya at ngayong mga panahong ito ay dapat mas patingkarin ang mapagpalayang sining.

Mahalagang bahagi ang mga komiks-peeps sa labanang ito; dahil ang komiks ay isang sining na walang pretense. Kaya nating mag-benefit sa pagtingin na isa itong mababang "art."

Approachable ito; pinaghahalo ang biswal na naratibo sa teksto—kumbaga po ay two ways of learning combined. Kaya rin tinatawag na produkto for mass consumption talaga ang komiks. At dahil sa laki ng reach ng midyum, tungkulin ng mga komikero na gawing venue ang kanilang komiks para labanan ang historical revisionism na tahasang ginagawa sa mainstream na midya at sa mga government policies ngayon—kagaya ng bastusang paglibing sa LNB ni Marcos.

Ano rin ang iyong nararamdaman sa direktiba ng gobyerno ngayon na "move on" o paghilumin ang sugat ng nakaraan kaya't dapat ng patawarin ang mga katulad ni Ferdinand Edralin Marcos?

Ala Little Miss Philippines po ako rito: may kasabihan po tayo na "ang di marunong tumingin sa pinanggalingan, walang patutunguhan."

Kung palpak ang pundasyon, kahit anong tayog ng gusali, guguho ito at guguho, dahil magiging repleksyon lang ang bagong polisiya ng masalimuot na nakaraan imbis na maging isang paghihilom mula rito.

'Yan ang ginagawa ng historical revisionism. Imbis na ma-unite ng liderato ni Duterte ang mga Pilipino, magkakawatak-watak lang tayo lalo. Matuto at matakot tayo sa kasaysayan.

Emiliana is currently finishing "Dead Balagtas: Volume 1", which focuses on the creation of the cosmos according to Babaylan myth to when the Taong Tabon roamed the Philippines. She is also doing research on Islam, Sufism, and other late medieval history and philosophy for a retelling of "Florante at Laura" as "Firuzah (Flerida) at Laura."

Additionally, Emiliana has created a web comic that touches on recent history, "Inang Tigre at Mga Kuting." Follow "Dead Balagtas" on Facebook for updates. — BM, GMA News

Tags: comics