Filipino publishing company Visprint confirms closure in 2021
Filipino publishing company Visprint Inc. confirmed its closure in 2021 through a Facebook post on Monday.
"Para sa kaalaman ng mga minamahal naming tagasubaybay at mambabasa: May katotohanan ang balitang napipintong pamamahinga ng Visprint sa darating na 2021," Visprint Inc. wrote on its Facebook page.
The statement said along with their closure is the retirement of the company heads.
"Kasabay ito ng pagreretiro ng mga haligi ng kompanya matapos ang marami at mabungang mga taon ng buong-puso nilang pagsisilbi rito. Nagbibigay pugay ang Visprint sa magkapatid na nagsimula ng lahat. Saludo po, Sir Efren at Sir Nido!"
Despite confirming the sad news, Visprint said they still have two years left to serve and produce their favorite books and comics from their favorite artists and writers.
"Bilang paglilinaw, may dalawang taon pa tayong pagsasamahan, mga mahal naming mambabasa. At sa nalalabing panahon na ito, makaaasa kayong patuloy naming ihahatid ang mga paborito ninyong komiks at aklat mula sa mga sinusubaybayan ninyong komikero at manunulat. (Hangga't may stock!)," Visprint wrote
"Magkikita pa rin tayo sa mga Komikon, Komiket, Manila International Book Fair, at book events kung saan kami imbitado. (Basta't pupunta kayo. :))," it added.
In the remaining two years, Visprint will not release any new literary works.
"Ikinalulungkot naming hindi na kami makapaglalabas ng mga bagong akda, pero tiwala kaming madaling mapupunan ng mga kapwa namin publisher ang puwang, kasama na ang puwersa ng independent publishers (kung saan kami kabilang noon) na unti-unti na ring nakikilala at nagbibigay daan para sa mga bagong manunulat. Umaasa at naniniwala kami na mababasa at mababasa pa rin ninyo sila."
Visprint also thanked those who invoked to save their publishing company and all its Filipino authors and comic artists.
Salamat sa mga nananawagan ng #SaveVisprint. Totoo pong nakatataba ng puso ang inyong suporta at malasakit. Pero higit dito, siguro ay mas hihikayatin naming ipanawagan ang #SaveFilipinoAuthorsKomikeros.
They also encouraged the new generation to appreciate and take care of the literary works created by their fellow Filipino.
Read the rest of the statement here:
Pangalagaan at pahalagahan natin ang bagong henerasyon ng mga alagad ng sining sa larangang ito--ang mga manunulat at komikero. Hindi na sapat na basahin lang sila, mahalagang maging katuwang din tayo sa pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa kanila at kanilang mga akda.
Pag-usapan, punahin, kilalanin ang iba't ibang uri ng akdang nababasa ninyo. Ipaalam sa publishers ang mga aklat na nais ninyong mabasa. Laging itanong sa bookstores ang mga akdang hinahanap ninyo at kung bakit wala ito sa kanilang mga tindahan. Suportahan ang independent publishers at self-published authors/comic artists. Nasa kamay ninyo, mga mambabasa, ang kinabukasan at pagpapatuloy ng mga akdang Filipino.
Sa ngalan ng Visprint at mga bumubuo nito, maraming maraming salamat po sa dalawang dekada ng ating pagsasama.
Visprint has published works from Filipino comic artists and writers including Manix Abrera, Bob Ong, Mark Angeles, Joey Arguelles, Paolo Chikiamco, Karl De Mesa, Joselito Delos Reyes, Ferdinand Jarin, Agay Llanera, Mervin Malonzo, Chris Mariano, Tepai Pascual, Bebang Siy, Budjette Tan, Stella Torres, Carlo Vergara, Eliza Victoria. — LA, GMA News