Filtered By: Lifestyle
Lifestyle

Jessica Soho honored at Global Filipino Icon Awards 2024 in Dubai, calls OFWs 'icons, heroes'


Jessica Soho honored at Global Filipino Icon Awards 2024 in Dubai, calls OFWs 'icons, heroes'

Jessica Soho just bagged the “Icon of Filipino Media Excellence” award at this year’s Global Filipino Icon Awards in Dubai.

In her acceptance speech, the Kapuso journalist highlighted how OFWs should be hailed as heroes.

“Sa akin po kasing palagay, ang dapat hinihirang na icons, heroes, excellent at outstanding, kayo po iyon, mga OFW, Global Filipinos, Global Pinoys. Kulang ang salitang bayani para sa inyong kadakilaan, para sa lahat ng inyong tinitiis at isina-sakripisyo lalo na po ang mga nanay at tatay na malayo sa inyong mga anak,” she said.

“You truly represent the best among us— kayo po ang pinakamahusay na ehemplo kung ano ang ibig sabihin ng pagiging Pilipino!”

Soho said that it is saddening how Filipinos need to fly abroad because of the lack of opportunities in the Philippines.

“Pero sa kabilang banda, sa pamamagitan din po ninyo at ng inyong katatagan, kasipagan at kahusayan, naipapamalas n’yo sa buong mundo, ang mga katangiang dapat ipagmalaki. Gustong-gusto ko pong ikuwento ang inyong mga kuwento! At marami-rami na rin po kaming mga bansang narating,” she said.

“Kaya nga po laging ‘lumilipad ang aming team’ diumano!" she added. "Wala nga yatang sulok ngayon sa buong daigdig na walang Pilipino. Kung saan naroon ang trabaho at oportunidad, may Pilipino. At kapag may kabayan, may kuwentong masarap pakinggan dahil kuwento iyun ng pagmamahal para sa pamilya at para sa bayan.”

Their remittances are one of the things that save the country’s economy, especially during the recent financial crisis, Soho said.

“Kaya nga ba mayroon na ngayong mga malalaking mall sa ating mga probinsiya. Kayo ang isa sa mga matatawag na ‘economic drivers’ sa ating bansa. Panalangin ko na sana matumbasan ang lahat ng inyong nai-ambag sa inyong mga pamilya at sa ating bansa.  Makauwi rin kalaunan sa Pilipinas ang bawat isa sa inyo para ma-enjoy rin ang lahat ng inyong pinagsikapan sa mahabang panahon!” she said.

She also gave a special shoutout to the OFWs who constantly help those in need, as featured in “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Soho dedicated the award to the “KMJS” team.

“Narito po kami to inspire, give hope and change lives! Parang kayo rin na nandito. Na ang Dubai ginawa n’yo nang parang Pilipinas sa dami n’yo at dahil din sa inyong mainit na samahan at pagtutulungan,” she said.

She ended her speech by saying, “It is heartwarming to know that you are organized and you are so generous to celebrate the success of your fellow Filipinos and draw strength and inspiration from each other.”

 

—Carby Basina/JCB, GMA Integrated News

Tags: Jessica Soho