ADVERTISEMENT
Filtered By: Lifestyle
Lifestyle
Bituin at baraha ng mga kandidato sa Senado
Kilatisin ang mga kandidatong senador sa May 14 Lalake, may edad na di bababa sa 50 anyos, may asawa, may bilang ng anak na di bababa sa tatlo at ang karaniwang trabaho ay pagiging pulitiko at negosyante. Ito ang karaniwang mga katangian ng tumatakbong mga senador sa Mayo 14. Sa kabuuan, 33 ang lalakeng kandidato, samantalang apat lamang ang mga babae. Labintatlo sa mga tumatakbo ang may edad na mula 51 hanggang 59. Sila ay sina: Adrian Sison (Kapatiran), Ana Dominique Coseteng (GO), Melchor Chavez (KBL), Prospero Pichay (TU), Antonio Estrella (KBL), Manuel Villar Jr (GO), Felix Cantal (IND) Panfilo Lacson (GO), Vicente Sotto III (TU), Zosimo Paredes (Kapatiran), Eduardo Orpilla (KBL), Ruben Enciso (KBL) at Gregorio Honasan (IND). Siyam na kandidato naman ang may gulang na mula 41 hanggang 47. Sila ay ang mga sumusunod: Richard Gomez (IND), Joselito Pepito Cayetano (KBL), Francis Pangilinan (LP), Ralph Recto (TU), Aquilino Pimentel III (GO), Cesar Montano (TU), Martin Bautista (Kapatiran), Loren Legarda (GO) at Benigno âNoynoy" Aquino (GO). Si Joker Arroyo (GO), 80, ang pinakamatandang kandidato. Ang pinakabata ay si Antonio Trillanes IV (TU), 35. Samantala, apat na kandidato naman ang may edad na 36 hanggang 37. Sila ay sina Alan Peter Cayetano (GO), Francis Escudero (GO), Juan Miguel Zubiri (TU) at Michael Defensor (TU). Batay sa kani-kanilang record sa Commission on Elections, 28 sa mga kandidato ang may asawa, lima ang hiwalay sa asawa, tatlo ang wala pang asawa at isa ang byuda. Ang mga separated ay sina: Pichay, Singson, Coseteng, Legarda at Osmeña (ngunit âdivorced" ang sinulat niya sa kanyang record). Ang mga wala pang asawa ay sina Aquino, Cantal at Estrella. Samantala, ang nag-iisang byuda ay si Roco. Batay pa rin sa kanilang record, 25 ang kandidatong may anak. Ang kabuuang nilang anak ay 86. Ibig sabihin, ang average na bilang ng anak kada kandidato sa 25 na ito ay di bababa sa 3. Karamihan sa mga propesyon ng mga kandidato ay pagiging pulitiko (19), sumunod ay pagiging negosyante (15) na nasundan ng pagiging abogado (15), journalist (6) at aktor o mga trabahong may kinalaman sa show business (4). - GMANews.TV
Ano ayon sa mga bituin at baraha ang mabubuti at masasamang gawi ng mga kandidato sa Senado? Paano sila mag-isip? Meron ba silang mga sekreto? Anong gawain ang bagay sa kanilang kakayanan? Swerte ba sila o malas ngayong taon? Buenas o sabit ba ang taumbayan sa kanila? At bukas, araw ng halalan, anong kapalaran ang pahiwatig sa bawaât isa sa kanila, ng birth astrology at tarot cards? Bitbit ang mga datos ukol sa kanilang birthday, sinangguni namin ang kapalaran ng mga kandidato kay Aling Cora, isa sa mga batikang manghuhula sa Quiapo, Manila. Ito ang latag ng mga zodiac signs ng mga kandidato:
Lima ang ipinanganak sa sign ng Aquarius: o NoyNoy Aquino o Loren Legarda o Vic Magsaysay o Koko Pimentel o Victor Wood
Lima din ang ipinanganak sa sign ng Cancer: o Mike Defensor, o Jamalul Kiram o Tessie Aquino Oreta o Sonia Roco. o Prospero Pichay
Apat ang ipinanganak sa sign ng Capricorn o Joker Arroyo o John Osmena o Eduardo Orphilla o Ralph Recto
Tig-tatlo ang ipinanganak sa sign ng Scorpio: o Allan Peter Cayetano o Mario Ongkiko o Ruben Enciso
a Gemini: o Ping Lacson o Zosimo Paredes o Chavit Singson
sa Virgo: o Martin Bautista o Kiko Pangilinan o Tito Sotto
sa Leo: o Cesar Montano o Antonio Trillanes o Mel Chavez
Tig-dalawa naman ang ipinanganak sa sign ng Libra: o Edgardo Angara o Chiz Escudero
Sagittarius: o Nikki Cosetenbg o Manny Villar
Pisces: o Gringo Honasan o Adrian Sison
Tig-isang kandidato naman ang ipinanganak sa sign ng Taurus: o Oliver Lozano, na magadaraos ng birthday niya nitong Mayo 13
Aries: o Migz Zubiri 1. CANCER (June 21 to July 22) Jamalul Kiram III, July 16, 1938, edad 68, TU Teresa Aquino Oreta, June 28, 1944,62, TU Sonia M. Roco, July 20, 1944, 62, GO Prospero Pichay,June 20, 1950, 56, TU Michael Defensor, June 30, 1969, 37, TU Birth Astrology: Cool ang mga Cancer pero pabago-bago ang desisyon Kalakasan: Kadalasan, iniisip muna ng mabuti ng mga Cancer ang sasabihin bago magbitaw ng salita. Kalmado silang magdala ng sitwasyon, sensitibo sa pakiramdam ng mga nakapaligid sa kanila. Mahilig din silang makihalubilo sa tao, gusto nilang ang gawain ay palaging nakapaloob o umiikot sa grupo. Kahinaan: Mahiyain at madalas na pabago-bago ang isip kaya di kaagad makapagpasya. Tamad ang marami sa kanila. Masyado ring kutis sibuyas kaya madaling masaktan sa paratang at pintas ng ibang tao. Madali rin silang maimpluwensyahan ng kanilang pamilya sa kanilang pagdedesisyon. Hula mula sa Quiapo: KIRAM: Mahal ang tao sa kanyang bayan. Ayaw niya ng marumi, sa pagkain man o sa pulitika. Mapangarapin siya at malikhain. Tahimik ngunit may kapilyuhan sa pagbibiro. ORETA: Mahilig sa mga gawaing panlalaki. Maraming gustong gawin para sa bayan pero di matutupad agad. Ayaw ng pinakikialaman. Mahilig maglakbay, lalo na sa maliliit na lugar o isla. ROCO: Sensitive o maramdamin. Mapagmahal samagulang. Maraming tukso at pagsubok sa buhay ang naranasan. Pag away ang pag-uusapan, di uurong, kayaât huwag bibiglain o hahamunin dahil kakasa. Mga akmang propesyon Likas sa mga Cancer ang pagiging maalaga, matulungin at kakayahang makadama ng problema ng ibang tao. Bagay silang malinya sa mga propesyon sa social work, gardening at child care. Natural din sa kanila ang pagiging money-makers, kung kaya bagay ding maging bond traders, bank executives at stock portfolio managers. Mga kilalang taong Cancer Princess Diana, royalty Imelda Marcos, RP first lady Tom Cruise, actor Earnest Hemingway, writer Mike Tyson, boxer 2. AQUARIUS (January 20 â February 18) Vicente Magsaysay, January 20, 1940, 67, TU Benigno Aquino III, February 8, 1960, 47, GO Loren Legarda, January 28,1960, 47, GO Aquilino Pimentel III, January 20, 1964, 43, GO Victor Wood, Feb. 01, 1946, 61, KBL Birth Astrology: Independent at rebelde Kalakasan: Independent ang mga Aquarius, ibig sabihin, kayang mabuhay ng di umaasa sa iba. Napaka importante sa kanila ang autonomy, ayaw nilang palaging may nakadikit at nakikialam sa buhay nila. Mahalaga sa kanila ang maramdamang malaya sila sa gusto nilang gawin. Progresibo at advance din silang mag-isip. Palagi silang nauuna sa mga orihinal at makabagong ideya. Kahinaan: Marami sa kanila ay âunsual" o di pangkaraniwan ang iniisip. Abnormal daw o kaya kulang-kulang. Kung hindi rebelde, reboluyonaryo ang kanilang pag-iisip at gawain. Hula mula sa Quiapo MAGSAYSAY: Patas lumaban, ayaw na ayaw ng niloloko, ayaw na ayaw ding manloloko. Peace-maker din, kaya kayang mapagkasundo ang mga nag-aaway na grupo. AQUINO May pagtingin ang mga tao na dakila ang ginagawa niya. Aani ng tagumpay at maraming magagawa sa bayan, bastaât parating pairalin ang pag-ibig sa kanyang pamumuno.Hindi siya judgmental, tinitingnan muna ang takbo ng mga pangyayari, bago magdesisyon. Mapag-obserba rin sa kanyang kapaligiran, pero madalas ay bugnutin. LEGARDA: May gabay na spiritwal na labas masok sa loob ng kanyang katawan, kung kayaât magiging matagumpay. Pinagkakasundo rin niya ang mga nagkakagalit. May pagka-sacrificial lamb din, ipinapain ang sarili para sa kaligtasan o kabutihan ng iba. Ibigin siya ng mga lalake. Mayroon siyang secret admirer ngayon. Mataas siyang mangarap. Maka-Diyos din. Ayaw niya ng palaging binibiro. Ayaw din ng hinahawak-hawakan. PIMENTEL: Maaaring magtagumpay, ngunit dapat palaging siguraduhin na ang mga desisyon niya ay naaayon sa katarungan, na patas sa lahat. Maka-Diyos, malikhain at mapagbigay, ngunit may mga sekreto rin na di dapat na maungkat at malaman ng iba. May pag-ibig na maaaring mabigo. Mga akmang propesyon Huwag na huwag papasok sa mga boring at conventional na trabaho dahil di sila magtatagal dito, dahil nga hindi sila mga pangkaraniwang nilalang. Bagay sa kanilang propesyon? Holistic medicine, organic farming at performance arts. Dahil mahilig silang mag-imagine, mag-explore at lumikha, maari rin silang maging magaling na scientist, engineer at humanitarian worker. Mga kilalang taong Aquarius Corazon Aquino, RP president Wolfgang Mozart, composer Oprah Winfrey ,TV host Abraham Lincoln, US president Carl Bernstein, journalist 3. SCORPIO (October 23 â November 21) Alan Peter Cayetano, October 28,1970, 36, GO Mario Ongkiko,October 29, 1931, 75, Kapatiran Ruben Enciso, November 12, 1947, 59, KBL Birth Astrology: Malakas ang dating pero kadalasan, violent sila Kalakasan: Malakas ang pangangatawan ng mga Scorpio. Malakas din ang kanilang loob sa pagharap sa mga pagsubok. Maigting din ang pagnanasa o desire, maging ang sexual powers. Kahinaan: Suspicious ang mga Scorpio. Defiant at extremist din sila. Huwag silang gagalitin dahil likas sa kanilang maging mapaghiganti. Dahil malaki ang tendensiyang maging violent, parang bulkang sumasabog din ang mga Scorpio kapag nagagalit. Hula mula sa Quiapo CAYETANO:Maganda ang taong ito para sa kanya, maaring matupad lahat ng pangarap niya. Katwiran, batas at pag-ibig ang kadalasan niyang pina-iiral. Strikto, ngunit pala-kaibigan, magaling makisama.Laging gustong matulog. Ayaw na ayaw na iniistorbo kapag may ginagawa. Sa personal na buhay, aaa-appreciate niya kapag siyaây pinaglilingkuran. Ayaw ng palaging nag-iisa. Mga akmang propesyon Epektibo ang mga Scorpio sa mga gawaing nangangailangan ng sobrang konsentrasyon. Bagay sa kanilang maging surgeon, courtroom lawyer at executive secretary. Mahilig din sa mga gawaing misteryoso ang mga Scorpio, kaya bagay sa kanila maging detective, pulis at psychiatrist. Mga kilalang taong Scorpio Pablo Picasso, artist Hillary Clinton, US first lady at senator Bill Gates, IT magnate Larry Flint, publisher Fyodor Dostoevsky, writer 4. CAPRICORN (December 22 â January 19) Joker Arroyo, Janaury 5, 1927, 80,TU John Henry Osmeña, January 17, 1935, 72, GO Ralph Recto, January 11, 1964, 43, TU Birth Astrology: Tapat pero masamang magalit Kalakasan: Tapat at mahinahon, kagalang-galang at malakas ang will-power. Ambisyoso, pero hindi pinangangalandakan sa iba ang mga pangarap niya na gustong tupdin. Kadalasan, ang mga pinapangarap niya ay kaya din niyang abutin. Mahilig siyang umako ng responsibilidad at epektibo rin sa mga trabahong ang pangunahing layunin ay makatulong sa lipunan. Kahinaan: Di agad naaalis ang galit dahil ugali nilang magtanim ng sama ng loob. Mahilig din mangontra ng ideya ng iba, kapag sa tingin nila ay wala ito sa lugar. Hindi rin sila madaling magtiwala. Hula mula sa Quiapo ARROYO: Magtatagumpay sa kanyang layunin ngayong taon. Maraming humahadlang sa gusto niyang gawin, may mga nagagalit sa kanya, dapat siyang makipag-reconcile. Matulungin siya, ngunit mapagtanim ng sama ng loob. May mga gawaing ikinasasakit ng loob ng nagmamahal sa kanya. Matigas ang ulo niya at ayaw niyang Pinakikialamn ang buhay niya ng ibang tao. OSMEÃA: Ngayong taon, may mga babaguhin siyang desisyon. Maaaring magkakaroon siya ng posisyon na makakatulong sa gobyerno. Matayog mangarap. Palaging gustong mag-isa at hindi masyadong pala-kaibigan. RECTO: Maaaring manalo. Maaaring maging tuloy-tuloy ang tagumpay sa buhay . Hindi kayang gulat-gulatin, hindi natitinag. Kung yayabangan mo siya, kaya ka rin niyang tapatan. Yung bahay nâya maraming alagang good spirits. Matigas ang ulo, kung ano gusto, ipipilit. Di madaling maimpluwensyahan, di basta-basta mapapasunod. Pag nagmahal, todo. Mga akmang propesyon Dahil kaya nilang pasanin ang daigdig, epektibo sila sa mga trabahong mabigat ang responsbilidad. Angkop sa kanila ang mga propesyong may kinalaman sa banking, manufacturing at building. Mga kilalang taong Capricorn Michel de Nostradamus, astrologer Mao Tse Tsung, political leader Denzel Washington, actor Joseph Stalin, dictator Martin Luther King, human rights activist 5. GEMINI (May 21 â June 20) Luis âChavit" Singson, June 21, 1941, 65, TU Panfilo Lacson, June 1, 1948, 58, GO Zosimo Jesus Paredes, May 27, 1948, 58, Kapatiran Birth Astrology: Madaling matuto pero kulang sa tiyaga Kalakasan: Kadalas, batid niya kung napapanahon isagawa ang mga mahahalagang hakbang at desisyon sa buhay. Hindi mahirap sa Gemini na sabihin o ipaalam ang kanyang iniisip. Fast learner din siya. Madaling lapitan at magiliw sa mga kasalamuha. Mahilig maglakbay ang mga Gemini. Mahilig din sa intellectual work o mga gawaing ang palaging pinapagana ay ang isip at katwiran. Kahinaan: Kadalasan, kalat siyang mag-isip, maraming concerns sa buhay, walang focus, kung kaya di rin niya agad makamtan ang tunay nilalayon. Maraming siyang nasasayang na lakas dahil gusto niyang gawin lahat ng bagay kahit na puwede naman itong i-delegate sa iba. Hula mula sa Quiapo SINGSON Malaki ang puso, kaso walang paninindigan. Caring with friends, mapagbigay at romantiko rin. Ayaw ng flattery, o binobola-bola. LACSON Hindi traidor, napapagdiskitahan lang siya ng mga bagay na di niya naman ginagawa. Mapagtiis, kahit na inuupsala ang pagkatao niya. Maamo, pero kaya ring maging mabagsik kung kinakailangan. Mahilig sa bulaklak. Di palakibo, pero gumagamit ng flattery words pag nagsalita. Matalinhaga kung magsalita. Pati mga kilos, di agad mahuhulaan. Magaling bumasa ng isip ng mga tao Mga akmang propesyon Kailangan niya ng mga trabahong nakakakiliti ng utak. Siya ang tipong dahil subsob sa trabaho ang Gemini, kahit hindi siya mag-overtime, marami siyang nagagawa. Magaling rin siyang mag-handle ng pressure sa trabahao. Magiging magaling ang mga Gemini sa mga sumusunod na gawain: switchboard operator, technical support workers, customer service representatives, teachers at writers. Mga kilalang taong Gemini Clint Eastwood, actor George Bush, US president Donald Trump, entrepreneur Salman Rushdie, writer Henry Kissinger, statesman 6. VIRGO (August 23 â September 22) Vicente âTito" Sotto, August 24, 1948, 58, TU Francis Pangilinan, August 24, 1963, 43, Independent Martin Bautista, September 22, 1962, 44, Kapatiran Birth Astrology: Diplomatiko, pero wag ka, mapamintas din Kalakasan: Mapagsabi ng totoo, matalas sa na customer, alam kung dinadaya na siya. Mabilis din ang pick-up, ibig sabihin, madaling maka-intindi. Dahil tuso, hindi rin siya basta-basta mauungusan o maloloko. Mahinahon magsalita at magaling din sa displomasya Kahinaan: May ugali na minamahalaga ang mga bagay na di naman dapat ituring na mahalaga. Kadalasan, masyadong kritikal mag-isip at magsalita, sobrang maghimay ng mga puntong di na dapat pagtuunan pa ng pansin. Mahilig ding maghanap ng mali. Hula mula sa Quiapo SOTTO: Hindi masyadong pakialamero. May love and justice sa ugali. Umiiwas sa gulo, nakikipagkaisa, ayaw ng hiwa-hiwalay. Sobra ang pagpapahalaga sa mga kaibigang tapat sa kanya. Mapagbiro ngunit nilalagay ang sarili sa dapat kalagyan. Totoong tao. Personally, may kasungitan, pero mapagbigay at panig sa pagkakaisa at katahimikan. PANGILINAN: Lahat ng kilos hinahanapan ng mali ng ibang tao. Madalasin, may makatwirang pag-ibig. Ayaw ng manloloko, ayaw ng tinutukso.Maraming trials na pagdadaanan. May matutuwa sa mga gagawin nâya pero may magagalit din.Hindi agad kinakikitaan ng galit. Hindi agad nagdedesisyon, pinag-aaralan muna. Mataas ang pangarap. Swerte dahil he has the star of David â power, wisdom and wealth. Mga akmang propesyon Service-oriented jobs ang akma sa mga Virgo, dahil kaya nilang mahulaan kung ano ang ibig at pangangailangn ng isang customer. Epektibo siya sa mga trabaho sa spa, hotel at restaurant. Matalas din ang memorya ng ng mga Virgo, likas sa kanila ang pagiging wordsmith kung kaya akma silang maging editor, researcher, teacher, writer at critic. Mga kilalang taong Virgo Mother Teresa, humanitarian Yasser Arafat, poltical figure Michael Jackson, singer Ivan the Terrible, royalty Spethen King, writer 7. LEO (July 23 â August 22) Cesar Montano, August 1, 1962, 44, TU Antonio Trillanes IV, August 6, 1971, 35, GO Melchor Chavez, August 6, 1951, 55, KBL Birth Astrology: Prangka at banidoso Kalakasan: Karaniwaây dalubhasa o eksperto sa kanyang gawain. Malaki ang pagpapahalaga sa kapangyarihan. Karaniwang may mithiin o tinatarget na marating sa buhay. Mahilig ding magpayo ang mga Leo. Deretashan o prangka kung magsalita. Kahinaan: Hambog, mapagpanggap at materialistic. Dominante sa kanyang pagkatao ang mga sumusunod na ugali: mapagmalaki, banidoso, arogante at pangahas. Hula mula sa Quiapo MONTANO: Noong kabataan, madaming nagdaang babae sa buhay. May mga pagkakataong bumagsak ang kabuhayan, ngunit nakaahon din. Wala sa loob ang pulitika, parang nagdesisyon ng madalian. May kabagsikan pag nagalit. Mapagmahal sa asawa, ngunit seloso, at possessive. Maraming kaibigan dahil hindi mapagsarili. Ayaw ng magulong buhay TRILLANES: Mapagdesisyon at aaksyon siya, kahit nag-iisa lang siya. May katigasan ang ulo. May basbas sa Diyos ang ginagawa niya. Mapagmahal sa magulang, mabait na anak. Di suplado at mapagbigay. Madaldal pero hindi agad mahuli kung ano ang totoong ugali, great pretender, puwedeng impersonator. Mga akmang propesyon Dahil ang mga Leo ay malikhain, may kusang palo at may kapangyarihang pumukaw ng pansin ng tao, bagay sa kanilang maging performer, interior decorator at tour guide. Dahil mahalaga sa kanila ang prestige at estado sa buhay, bagay rin sa kanilang maging doktor, abogado at executive sa malalaking kompanya. Mga kilalang taong Leo Benito Mussolini, dictator Henry Ford, industrialist British Queen Mother Elizabeth Fidel Castro, Cuban president Robert De Niro, actor 8. LIBRA (September 23 â October 22) Edgardo Angara, September 24,1934, 74, GO Francis âChiz" Escudero, October 10, 1969, 37, TU Birth Astrology: Mahilig maki-jam, nagpapadala sa agos Kalakasan: May malaking pangangailangan na mapabilang sa grupo o samahan. Gustong gustong makihalubilo sa tao at pumasok sa mga partnership. Malaki ang pagpapahalaga at paggalang sa katarungan, maging mga pagpapahalaga ng isang lipunan. Level-headed din ang mga Libra. Kaya niyang makibagay sa mga taong nasa palagid niya. Kahinaan: Hindi masyadong palaisip. Hindi rin mapagseryoso sa mga usaping pampuso o personal na pakikipag-relasyon. Madali rin siyang mahatak o maimpluwensyahan sa kanyang mga desisyon. Hula mula sa Quiapo ANGARA May layunin na makatulong, pero maraming may galit sa kanya na hahadlang sa gusto niyang mangyari. May mga disaster na mangyayari sa kanya, parang threat. Asawa o ka-partner o nagmamahal ang umaayaw na lumahok siya sa pulitika. May humility, pero pag nagalit todo. Magaling makisama at bukas ang loob. ESCUDERO Patuloy na magiging tanyag ang pangalan. Solver of problems. Handang ibuwis ang buhay para sa iba. Mahilig pumunta sa bundok o sa matataas na lugar. Fair, pero pag nanloko, todo rin, kayang maging promotor ng kalokohan. Mga akmang propesyon Dahil magaling makihalubilo ang Libra, akma sa kanya ang mga trabahong pampubliko, tulad ng mga propesyon sa sales. Likas sa mga Libra ang pagiging artistiko, kung kaya marami sa kanila ang nae-enganyong magkaroon ng trabahong may kinalaman sa designs, music o dance. Dahil sobra din silang magiliw at mahusay makibagay, bagay ang mga Libra na maging ambassador, custiomer representative at restaurant host. Mga kilalang taong Libra Sting, musician George Gershwin, composer Mahatma Gandhi, pacifist T.S. Eliot, poet Julie Andrews, actress 9. SAGITTARIUS (November 22 â December 21) Manuel Villar Jr, December 13, 1949, 57, GO Ana Dominique Coseteng, December 18, 1952, 54, GO Birth Astrology: Ayaw ng dinidiktahan, masyadong adbenturista Kalakasan: Likas ang kabaitaan ng Sagittarius. Ideyalista rin sila. Karaniwaây masigla at masigasig. Mahilig maglakbay at mamuhay ng malaya. Kahinaan: Masyadong mahilig sa adventure, palaging nakikipagsapalaran sa mga bagay na hindi naman niya tiyak kung ano ang mangyayari. Masyadong itinataya ang sarili sa mga pagsubok o panganib na kadalasaây nagdudulot ng suliranin. Rebelde din ang mga Sagittarius. Marami sa kanila ang palabiro. Hula mula sa Quiapo VILLARMaganda ang taong ito sa larangang propesyunal. Caring, giving at generous. Kahit di magpulitiko, mamahalin pa rin ng mga tao. Mamumuno sa mas mataas na posisyon balang araw. Lahat ng ginagawa, gustong palaging magtagumpay. Hindi agad nakukuha sa pambobola. Maamo, pero minamatyagan ang kilos ng mga taong nakapaligid sa kanya. COSETENG Pumapanig sa katwiran. Mababa ang loob ngunit may pagka suplada kung minsan. Generous, with a helping hand. May tao na iniligtas niya sa tiyak na kapahamakan. May isang taong umiibig sa kanya ng sekreto. Huwag sasalingin, kasi siguradong lalaban. Mapag-aruga sa mahihirap. Hindi mapanumbat, capable of forgiving and forgetting. Mga akmang propesyon: Palaging naghahanap ng mga trabahong puno ng pagsubok. Ayaw ng mga nakababagot o routinary na trabaho. Mas gugustuhin ang mag-business trip kaysa umupo maghapon sa opisina. Dahil masyado ring aktibo at mahilig lumabas, akma sa mga Sagittarius na maging landscaper, animal trainer at fitness coach. Dahil pilosopo ang marami sa kanila, bagay din silang maging abogado at propesor. Mga kilalang taong Sagittarius Jimi Hendrix, musician Friedrich Engels, Marxist Steven Spielberg, filmmaker John Milton, writer Andrew Johnson, US president 10. PISCES (February 19 â March 20) Gregorio Honasan, March14, 1948, 59, Ind. Adrian Sison, March 2, 1956, 51, Kapatiran Birth Astrology: Sentimental, impraktikal Kalakasan: Maawain, masakripisyo at sentimental ang mga Pisces. Mahilig din sila sa mga gawaing sila lang mag-isa tulad nga propesyon sa administration, archives at history. Kahinaan: May tendensiya silang mahatak sa maling landas dahil Karaniwan ay kulang sila sa karanasan at kaalaman sa mga parktikal na bagay. Madalas, mukhang siyang antukin o matamlay. Masyado ring manipis o sensitive at emotional. Mga akmang propesyon: Alagad ng sining, manggagamot . Natural na artist ang mga Pisces. Malikhaing trabaho ang karaniwan nilang hinahanap. Akma sa kanilang maging photojournalist, graphic artist. Dahil maawain din ang mga Pisces at gustong makatulong sa paglunas ng karamdaman, bagay sa kanilang maging nurse, social worker, therapist, veterinarian at psychologist. Mga kilalang taong Pisces Michaelangelo, artist Glenn Close, actress Albert Einstein, scientist Jon Bon Jov, musician Mikhail Gorbachev, political leader 11. TAURUS (April 20 â May 20) Oliver Lozano, May 13, 1940, 66, KBL Birth Astrology: Sinusunod ang gusto, may pagka-isnabero Kalakasan: Strong-willed ang mga Taurus. May nakaka-akit na personalidad at mapagpahintulot o tolerant sa ugali ng iba. Gusto rin niya ng pleasure at good things sa buhay. Makabuluhan din sa kanya ang sining. Kahinaan: May katigasan ang ulo, may pagka tamad, mayabang at sakim. Materialistic din ang marami sa kanila. Isnabero din kadalasan. Mga akmang propesyon Mag-e-enjoy sa career na stable. Masaya ang mga Taurus na mag overtime basta malaki ang suweldo, maganda ng benepisyo at maraming vacation leave. Dahil may pagka-sensual ang Taurus, magiging masaya din siyang magkaroon ng propesyon na may kinalaman sa pagkain, bulaklak at luxury goods. Dail marami sa kanila ang may ginintuang tinig, magiging magaling silang mang-aawit, public speaker at receptionist. Mga kilalang taong Taurus Barbra Streisand, singer Karl Marx, revolutionary Sigmund Freud, psychologist Uma Thurman, actress 12. ARIES (March 21 â April 19) Juan Miguel Zubiri, April 13, 1969, 37, TU Birth Astrology: Ambisyoso, pero pabago-bago ng isip Kalakasan: Malakas ang dating ng mga Aries. Meron silang enterpreneurial spirit. Ambisyoso at may kusang palo at hindi pasusupil. Kahinaan: Nerbiyoso, pabigla-biglang magdesisyon, maaksaya, di mapakali at pabago-bago ang isip. Hula mula sa Quiapo ZUBIRI Matagal ang ipinagtiis sa buhay. Minsan, may mga monkey business, pero hindi mapaghangad ng masyadong pera - kung wala, wala, kung meron, meron perfectionist, ngunit kaya ding maging tolerant, kung may mga taong nagsasaya, pinapabayaan niya, he doesnât spoil fun. Ang hangarin ay para sa lahat. Gustong lahat ng tao na nasa paligid niya ay mabigyan ng kaligayahan. People pleaser at peace maker. Mga akmang propesyon Energetic ang mga Aries kaya akma sa kanila ang mga trabahong challenging, competitive at entrepreneurial. Kikita siya sa mga trabahong may commission basis at sales incentives. Magiging magaling din sila sa advertising at public relations. Likas sa kanila ang pagiging bayani, kung kaya bagay din sa kanilang maging sundalo, pulis o rescue worker. Mga kilalang taong may katulad na zodiac sign Otto Bismarck, military Harry Houdini, magician Adolf Hitler, dictator Vincent Van Gogh, artist Tags: elections2007, campaignsenatorial
More Videos
Most Popular