ADVERTISEMENT
Filtered By: Lifestyle
Lifestyle
FIRST PERSON: In vino veritas matapos ang Pahiyas
By JOSELITO D. DELOS REYES
Ikatlong gabi matapos ang Pahiyas. Narito ako ngayon sa isang sulok na may mapusyaw na liwanag at lilim ng punong mangga. May kasamang mesa at apat na silyang bakal. Ang sulok ay nasa kanto ng San Luis at Regidor streets. Ang kanto ay nasa bayan ng Lucban. Ang maulan at matandang bayan ng Lucban na itinatag noong 1578 ay nasa tagiliran ng Bundok Banahaw. Na, para sa mga hindi nakaaalam, ang Lucban ay nasa lalawigan ng Quezon. Hindi ako mapapadpad sa mahalumigmig na bayang ito kung hindi dahil sa biyenan kong nagtago sa anak niyang magiging asawa ko pala. Buhay, oo.
Naghihintay ako ngayong gabi sa pagdating ng isang botelya ng chilled lambanog na isisilbi ng suki kong waiter. Naghihintay rin ako sa pagdating ng dalawang tao na pawang taga-Lucban. Aptly called Lucbanin. Bukod sa walang pait sa mukhang naitatagay at naiinom nilang dalawa ang mapait na likido mula sa niyog, sila ang inaasahan kong maglilinaw sa mga bagay-bagay tungkol sa Pahiyas.
Sila ang mga dumating. Una, si Pat Abuel, titser ng Filipino sa Paaralang Sekondarya ng Lucban, tinatapos ang kaniyang dissertation para sa Ph.D. Philippine Studies sa DLSU na may tuon sa mga ritwal ng bayan na mahigit sandaan at dalawampung kilometro ang layo—o humigit kumulang apat na oras, well, depende sa traffic sa hayupak na Calamba and its perpetual road repairs, pwedeng lima o anim—via SLEX, mula sa alinsangan ng Kalakhang Maynila.
Sumunod na dumating si BJ Babierra, propesor ng Theology sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kasalukuyang binubuno ni Prop. Babierra ang Ph.D. Theology sa pareho ring unibersidad sa España, Maynila, at tulad ni Pat, may tuon sa Lucban, partikular ang religiosity ng bayan, ang kaniyang paksa ng mga research.
Sila ang malalim na paghuhugutan ko ng malalalim na diskurso. Sila, sa kabila ng pagpapabalik-balik ko sa bayan na ito nang mahigit isang dekada, ang susi ko upang matuklasan pang lalo ang mga detalyeng nangangailangan ng intelektwal na pagsusuri mula sa, saan pa ba? Mula sa aking malalalim at matatalinong pag-uusisa.

Sina Prop. BJ Babierra, Titser Pat Abuel, at Joselito delos Reyes habang tumutungga ng chilled lambanog sa Lucban.
“Bakit walang lasa ang kiping?” Ganyan. Malalim, masustansiyang tanong bilang pagsisimula ng diskusyon.
Tumagay muna ng lambanog si Pat, ngumuya ng pulutang crispy longganisang Lucban bago sagutin: “Tanga ka ba? Kung may asukal e di lalanggamin, lalabsak (lalabsa) ang kiping dahil malamig at maulan sa Lucban.” Wala talaga ‘yung “Tanga ka ba?” Mabait si Pat.
Hayan. Make no mistake, kaibigan at kumpareng buo ko si Pat. Napaka-educated ng discussion tungkol sa pinatigas na galapong o bigas puree na may food color at ibinuhos sa dahon ng kabal (scientific name: Fagraea racemosa).
Bakit kabal? Bakit hindi dahon ng talisay, o to up the ante, dahon ng saging o dahon ng sampalok?
Bakit kabal? Bakit hindi dahon ng talisay, o to up the ante, dahon ng saging o dahon ng sampalok?
“Dahil yanong daming kabal dito at makinis ang dahon, madaling tuklapin ang natuyong kiping,” si Pat uli. Note on “yano,” expression ng Lucbanin, synonymous sa sobra. Like “yanong ganda” o in my case, yanong angas.
At marami pa akong natutuhan para i-justify sa kasabihang Latin na: in vino veritas (literal translation: nasa alak ang katotohanan o in wine there is truth, dahil sa practice ng mga taong Germanic noong unang panahon na kapag nagpupulong sila, kailangang lango sa alak, dahil ang katwiran nila, walang makapagsisinungaling kapag lashing, hik).
Alam ba ninyong may level of difficulty, at high level of gastos, ang mga nakapahiyas, keyword here is hiyas, na arangya at kiping sa bawat bahay na daraanan ng prusisyon kapag kapistahan ni San Isidro Labrador?
Na ang isang competitive design ay inaabot ng dalawang buwan ng pagpaplano at dalawang linggong pagkakabit at halos sandaang libong piso ang gastos? Na ang kapalit nito, tulad ng nangyari sa bahay ng nanalo ng grand prize ngayong taon, ay mahigit dalawandaang libong piso? Ang daming lambanog ang mabibili ng halagang ‘yun! Ang daming in vino veritas!

Na as late as 1980s, ipinamimigay ang kiping at mga nakapalamuting prutas at gulay pagsapit ng hapon, pagkalagpas ng prusisyon ng San Isidro Labrador na highlight noon ng pagdiriwang ng Pahiyas? Na hindi na masyadong nangyayari ngayon dahil sa, uhm, mahal nga ang pagpapadisenyo?
Na noong panahong de-film pa ang mga camera (36 shots, may bonus na dalawa) at pang-geek pa lang ang Internet, makukuhanan mo ng larawan ang Pahiyas, ang buong bayan, nang hindi nagpo-photobomb ang kahit isa mang corporate logo? Ngayon kasi ay hindi. Isang kisap at pitik ng digital camera, naroon ang logo ng isang sikat na pahayagan, telco, softdrinks, alak, fastfood, toyo, suka, motor, kara ng politiko (lalo na ito!), at marami, lubhang marami pang iba.

So, mahaba ang inuman in the guise of interview for this, ahm, article.
Napadako kami sa maraming usaping all things Lucban: tamang pagluluto ng longganisa, pagkahilig sa inom (malamig kasi rito, having an elevation of 1,500 feet above sea level) ng mga Lucbanin, broas, pansit habhab (habhab ay pandiwa, verb, akto ng pagkain sa pansit, hinahabhab, nilalapa mula sa palad nang walang tulong ng kubyertos, gross, primal), masayang bayan na mahilig sa parada, maraming resort at hotel, masarap at mura ang tsibog, maraming pari, dalawa ang piyesta (August 19 ang isa, para sa patron ng parokyang si San Luis Obispo), na halos natri-triple ang populasyon kapag Mahal na Araw dahil sa mga peregrino (wow, bigat ng term, peregrino! pagagaanin ko: pilgrim) sa Kamay ni Hesus at mga bakasyunista kaya para na ring piyesta.

Pero mas napako ang aming diskusyon sa komersyalismo ng bayan, lalo na nitong katatapos na Pahiyas. Komersyalismo. Yes, that much maligned and maligning term.
Dito matalim na sinipat ni Prop. Babierra at ni Titser Pat ang Pahiyas. Sabi ni Prop. Babierra, kung dati ay ang panghapong prusisyon ng San Isidro Labrador ang highlight—at nakikisunong na lamang ang pamahalaan sa pagdiriwang kapistahan, ngayon, nabaligtad.
Ang simbahan ang parang lumalabas na umaakma na lamang sa kung anong aktibidad pang-turismo ang inihanda ng bayan: concerts ng mga popular na banda at performer, contest ng sayawan, kantahan, pabonggahan ng kariton ng nagtitinda ng pansit, at marami pang ibang karaniwan ay iniisponsoran ng mga malalaking korporasyon. Oo, pati ang mga ipinaparadang higantes ay may sash ng corporate sponsor.

Malaking negosyo, sa madaling salita.
Pero hindi ba, dito naman talaga nagsimula ang lahat ng pagdiriwang na ito na isa nang malaking atraksyon hindi lamang sa rehiyon ng Calabarzon at Kalakhang Maynila kung hindi maging sa buong bansa? At may mangilan-ngilan pa ngang dayuhan mula sa ibang bansa ang napipilitang humabhab ng pansit at tumagay ng makalukot-mukhang lambanog just to prove their alcohol-drinking mettle pagsapit ng Pahiyas.
Ganito raw kasi iyon, sabi ng dalawang ka-in vino veritas ko. Ang prinsipyo daw talaga ng Pahiyas (ang Lucbanin daw, “payas” talaga ang bigkas, hindi “pahiyas”), na unti-unti nang nalilimot o nawawala sa iskrip ng pagdiriwang, ay ang thanksgiving ng mga magsasaka dahil sa masaganang ani na hindi naman nakapagtataka sa bayang itong may mabiyayang lupa.
Nag-alay daw noon ng kanilang ani ang mga magsasaka sa simbahan. Eh maraming alay, kaya halos mapuno ang simbahan. Nagdesisyon ang kura na sa susunod daw na kapistahan ng patron ng mga magsasaka, si San Isidro Labrador nga, i-display na lamang sa kabahayan ang ani para bendisyunan ng kura sa paglakad nito sa hapon ng kapistahan.

Pero hindi nasiyahan ang mga Lucbanin sa “simpleng” pagdi-display lang. Inayos nila. Ginawang disenyo ang kanilang ani. Kaya in principle, kung ano ang produkto ng magsasaka, kung ano ang kabuhayan ng pamilya, iyon ang makikitang naka-display. Kaya lahat ng gulay ng kantang “Bahay Kubo” ay naroon. Kaya kapag gumagawa ng sumbrerong buntal ang pamilya, mga sumbrero ang nakapalamuti sa bahay. Kaya kapag ahente o nagtitinda ng kung anumang produkto, tinapay halimbawa, iyon ang display.
Hindi ko lang alam kung ano ang display ng may-ari ng punerarya.
Hindi ko lang alam kung ano ang display ng may-ari ng punerarya.
Pero hindi na raw nangyayari halos ang ganoong kalakaran ngayon. Dahil sa laki ng premyo—milyong piso marahil ang halaga ng kabuuang premyo kapag pinagsama-sama—na-professionalize na ang disenyo. Umuupa na ng designer. At totoo ito, umuupa na ng bahay! Lalo kung ang bahay ng dati nang nananalo ay hindi daraanan ng parada dahil ang ruta ay nagbabago taon-taon. Nasa tatlo o apat na taon ang cycle para madaanan muli ang isang kalyeng makakabilang sa ruta.
Ayon kay Titser Pat, nitong huling mga taon, talamakan ang disenyo. May mga bahay na inupahan ng mga korporasyon para ipalamuti sa disenyo ng kiping at arangya ang logo, o tagline. O logo at tagline ng kompanya.
Malabo na ang thanksgiving.
Malabo na ang thanksgiving.
Pero may buti rin naman na dulot ang ganitong komersyalismo. Una, may pera. May kumikita. Ikalawa, nalilibang ang mga tao, Lucbanin man o dayo. Ikatlo, lalong natatanghal ang Lucban sa mundo. Lalo na ngayong panahon ng selfie.
Pero iyon nga. Hanggang doon na lamang ba? Saan patungo? Ano na ang “ebolusyon” ng Pahiyas sa mga darating na taon? Kibit-balikat ang nakuha kong tugon. Kaya umorder uli ako ng botelya ng chilled lambanog.
Bukod sa titser ng Panitikan, Malikhaing Pagsulat, at Kulturang Popular sa UST, Writing Fellow din si JOSELITO D. DELOS REYES sa UST Center for Creative Writing and Literary Studies. Siya rin ang awtor ng mga aklat na PAUBAYA, iSTATUS NATION, at TITSER PANGKALAWAKAN. Kasapi siya ng Museo Valenzuela Foundation at Lucban Historical Society. Gusto niyang maging Lucbanin, pero ayaw ng biyenan niyang Lucbanin.
More Videos
Most Popular