ADVERTISEMENT
Filtered By: Lifestyle
Lifestyle
Gusto mo ng forever? Ganito umiwas sa annulment
By REEZA SINGZON
Ngayong buwan ng Hunyo, aligaga ang mga pari, organizers, photographers, caterers, florists, make-up artists, at lahat ng taong may papel sa mga kasal.
Abala rin ang mga nagbebenta ng payong at ang mga taga-payong dahil maulan kapag buwan ng Hunyo. Ang ideya kasi ng "June bride" ay kinopya natin sa Amerika, kung saan ang Hunyo ay katamtaman ang klima.
Sa atin, kesehodang sa baha magpapalitan ng "I do" ang mga magsing-irog, basta't mapagbigyan ang babaeng maging June bride.
Anumang buwan ang mapili mo, ang tanong pa rin ay ito: dapat ka bang magpakasal?
Sa Pilipinas, dalawa lang ang garantisadong epekto ng kasal:
1. Kung wala kayong pre-nuptial agreement ng iyong nililiyag, ang mga ari-arian ninyo ay pagsasamahin.
1. Kung wala kayong pre-nuptial agreement ng iyong nililiyag, ang mga ari-arian ninyo ay pagsasamahin.
2. Ang iyong asawa ang iyong magiging tagapagmana
Mapapansin na ang epekto ng kasal ay nakasentro sa usapang pera.
Lango man sa pag-ibig ang iyong isip sa ngayon, hindi ito garantiyang walang magtataksil.
Walang forever, kahit sa kasal. Hindi ito kasama sa bridal package.
Ang forever ay makakamit lang kung ito ay araw-araw na tinatrabaho. Mahirap ito lalo na kung lipas na ang panahon na humaling kayo sa isa't-isa, kaya pa ninyong tuparin ang kasunod nitong eksena, at kayo ay mga magulang na.
Kung malabnaw ang kahandaan sa buhay may-asawa, pagkatapos ng bridal package ay haharapin ng mga naunsyami ang annulment package.
Ang price tag ng annulment package --- P250,000 hanggang P500,000 --- ay sapat na dahilan para kumalma muna, mag-isip, at limiin kung handa nang humarap sa buhay na pang-dalawahan, pang maramihan, sa isip at damdamin.
Bukod sa magastos, ang pagkalas sa kasal ay matagal at nakababawas ng pagkatao. Nariyan din ang pait na pinagdaraanan ng mag-asawa, at ang tilamsik nito sa mga anak.
Minsan sabi ng isang huwes sa akin, “Itong mga mag-asawang nagpapa-annul, kung mag-away at mag-siraan sa korte akala mo ay hindi nagmahalan dati."
Kung iisipin, ang nagbabangayang mag-asawa ay dati ring giniyagis ng pagmamahalan. Pero ang ganitong emosyon ay pumupusyaw, lumilipas. Kung minsan, napapalitan ito ng pagkayamot, o
mas masakit, ng pagkamuhi.
Kapag kumupas na ang marubdob na pagmamahalan, magtatagal lang ang pagsasama kung ang magandang katangian ng bawat isa ay sapat upang ang napapawing kilig ay mapapalitan ng mas matatag na emosyon.
mas masakit, ng pagkamuhi.
Kapag kumupas na ang marubdob na pagmamahalan, magtatagal lang ang pagsasama kung ang magandang katangian ng bawat isa ay sapat upang ang napapawing kilig ay mapapalitan ng mas matatag na emosyon.
Hindi para sa lahat ang kasal. Para magtagumpay rito, kailangan ng pasensiya dahil makakasama mo sa buhay ang isang taong hindi mo naman kaanu-ano.
Kailangan din ng tibay ng isip at dibdib sa mga problemang dala ng relasyon. Hindi kasi humihingi ng appointment ang mga problema. Kapag dumating ang mga ito, maaaring masiraan ng loob ang mga hindi sanay sa problema ng pakikipagrelasyon.
Sa linya ng trabaho ko, napansin kong iyong mga nagpapakasal nang maaga ay natitibag agad dahil hindi pa sapat ang karanasan sa buhay at hindi pa lubusang kilala ang sarili.
Iyong iba naman ay natuklasang hindi sapat ang pag-ibig lang. Kailangan din ng pagkakapareho ng antas ng edukasyon, pagkakaisa sa mga interes, pangarap at ambisyon, paninindigan sa mga isyu, respeto at suporta sa gawain ng bawat isa, at paghanga sa katauhan ng napiling mapangasawa.
Madalas akong natatanong kung ano ang pangunahing dahilan ng paghihiwalay at annulment, at kung sino ang madalas nauunang humihingi nito.
Sino ang nauunang umayaw? Halos pareho lang ang bilang ng mga babae at lalaking nauunang kumikilos para sa paghihiwalay.
Mahirap ding tukuyin kung ano ang numero unong dahilan ng desisyong ito, pero itong tatlo ang madalas na basehan ng annulment: (1) psychological incapacity (na malawak ang ibig sabihin, mula sa pagiging narcissistic hanggang sa problema sa sex; (2) kasal na pala ang isa sa ibang partido; at (3) kulang ang dokumento sa kasal, tulad ng valid marriage license.

Kapag nagtatapos ang isang relasyon, maraming mag-asawa ang nagsasabing dahil ito sa pangangaliwa ng isa. Pero tandaan: ang pangangaliwa ay hindi batayan para sa annulment o judicial declaration of absolute nullity of marriage (deklarasyon na walang kasal na naganap).
Bukod diyan, ang pangangaliwa ay bihirang nagiging dahilan ng paglayo ng kalooban ng mag-asawa sa isa't isa. Ang pagtakbo sa kandungan ng iba ay sintomas lang ng mas malala pang problema.
Maaaring ang kama na dating mainit ay sinlamig na ng bangkay. Maari ding wala ng pag-uusap at pag-uunawaan sa nagsasama. Pero ang mga ito ay mayroon ding iba pa at mas malalim na dahilan.
Maaaring ang kama na dating mainit ay sinlamig na ng bangkay. Maari ding wala ng pag-uusap at pag-uunawaan sa nagsasama. Pero ang mga ito ay mayroon ding iba pa at mas malalim na dahilan.
Anuman ang dahilan ng paglamig ng pagsasama at pag-init ng palitan ng salita, ang aral ay pareho para sa lahat: Walang katiyakan kahit sa pag-ibig.
Kung gusto mong magpakasal, kung gusto mo ng forever, tiyakin mo munang namuhay ka na nang sapat at kilala mo na ang sarili mo. Kung gusto mong magpakasal, tiyakin mo munang nagawa na rin ito ng iyong napiling kapareha. Magastos at masakit sa pagkatao ang pagbura sa isang kasal. Mapait ang paghihiwalay at pagsisisi.
Si Reeza Singzon ay isang abogado na humahawak ng mga kaso sa family law at civil law. Bago maging abogado, nagtrabaho siya bilang manunulat at producer ng mahigit isang dekada sa telebisyon at diyaryo. Kung may tanong at komento, maari siyang sulatan sa reeza.singzon@gmail.com
(Translated by Jaileen F. Jimeno)
(Translated by Jaileen F. Jimeno)
Tags: annulment
More Videos
Most Popular