ADVERTISEMENT
Filtered By: Lifestyle
Lifestyle

Nicole Guevarra Flores tinanghal bilang Super Sireyna Worldwide 2018


Kinoronahan ang pambato ng Pilipinas na si Nicole Guevarra Flores bilang Super Sireyna Worldwide 2018.

Sa Chika Minute report sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing ginanap ang Grand Coronation Day sa Eat Bulaga.

Iuuwi ni Flores ang P500,000 kasama ng kaniyang titulo.

Nakuha rin ni Flores ang mga awards na Best in Talent at Online Favorite.

First runner-up si Imani Dasilva ng Angola na may towering beauty.

Second runner-up naman si Miss Mexico Miranda Lombardo.

Naglaban-laban ang walong magagandang transwomen sa one-day international pageant ng Eat Bulaga. —Jamil Santos/ALG, GMA News