ADVERTISEMENT
Filtered By: Lifestyle
Lifestyle
PANOORIN
Add GMA on Google
Mga babaeng pulis sumali sa Santacruzan sa Laguna
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa halip na unipormeng pampulis, naggagandahang gown ang suot ng mga babaeng pulis sa isang sagalang kanilang nilahukan sa Sta. Cruz, Laguna.
Ayon sa ulat sa Balitanghali nitong Linggo, isinagawa ang sagala ng pamunuan ng Laguna Police Provincial Office upang ipakita ang tradisyong Pilipino at mapalapit sa mga residente ng lugar.
Aliw na aliw naman ang mga residente sa mga pulis na may magagarang bihis.
Ito raw ang unang pagkakataon na nagkaroon ng sagala ng mga babaeng pulis sa kanilang lugar. —Anna Felicia Bajo/ALG, GMA News
More Videos
Most Popular