ADVERTISEMENT
Filtered By: Lifestyle
Lifestyle
TUNAY NA BUHAY

Ed Caluag, inimbestigahan ang haunted park na may maraming namatay na Katipunero


Sa programang "Tunay Na Buhay," binisita ng paranormal investigator na si Ed Caluag ang isang "haunted" umano na parke sa Bulacan na puno ng kasaysayan.

Ayon kay Caluag, nakaramdam siya ng "agony" at tila may mga hindi matahimik.

Mas bumigat pa ang pakiramdam ni Ed nang matuklasan niyang marami ang namatay sa lugar, na sinasabi ng mga residente na mga Katipunero na lumaban sa mga Kastila noong unang panahon.

Sinubukan din ni Pia Arcangel ang psychic ability ni Ed, at ipinahiram sa paranormal investigator ang isang ballpen na bigay ng isang mahalagang tao na malayo ngayon.

Panoorin ang bahaging ito sa Tunay na Buhay.

—Jamil Santos/LDF, GMA News