ADVERTISEMENT
Filtered By: Lifestyle
Lifestyle

Tula ng pag-ibig: Inaapuyan, sinisilaban


Someday, in God's perfect time, alam ko, darating ang aking phoenix Maaaring dati siyang insekto, na may magandang pakpak, pero maikli ang buhay Pero hindi yung phoenix na alamat, kundi yung phoenix sa kaibuturan Phoenix na maaaring mamatay, pero magbabalik bilang mas magandang nilalang. Sa ngayon kasi, pinu-purify pa siya ni God, katulad ng pag-purify niya sa akin Inaapuyan ako, sinisilaban, upang lumabas ang pagkaginto Upang makita ang tunay na kalibreng walang kapantay Upang matanggal ang mga bahagi ng pagkatao, na hindi naman pala tunay na siya Upang maging mas malinis, makinis ang pagkakahulma. Mahirap ang proseso ng pagpupuro, pag-aapoy Ang phoenix sumisilab, bago maging bagong phoenix, na may bagong lakas at sigla Ang pag-aapoy ay masakit, hindi madali, pero kailangang pagdaanan, pagtiisan Dahil alam mong sa huli, ikaw ang panalo Sa huli, ang malaking plano ni God ang masusunod At muli liligaya ang lahat, lalo na kayong mga inapuyan.

Tags: kapusomonth