ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Comelec bukas na ipagpaliban ang Brgy, SK polls
MANILA â Bukas ang Commission on Elections (Comelec) sa mungkahi na ipagpaliban ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakdang gawin sa darating na Oktubre 25. Sa isinagawang pagdinig ng House committee on suffrage and electoral reform nitong Miyerkules, sinabi ni Comelec chairman Jose Melo na bukas sila sa mungkahi na ipagpaliban ng isang taon ang halalan. âNow we would prepare if we postpone it at all, it will have to be 2011," pahayag ni Melo sa mga miyembro ng komite na pinamunuan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga. âWe are ready to hold the elections but having known the sentiments of members of Congress, letâs talk about postponement now," idinagdag ng opisyal. Kamakailan ay inihayag ng Malacanang na nais ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III na matuloy ang halalan sa Oktubre. Gayunman, nais ng Palasyo na ibaba sa isa ang iboboto sa SK sa halip na walo. Samantala, kapwa payag naman sina Senate President Juan Ponce Enrile at Speaker Feliciano Belmonte na iurong sa 2011 ang sabay na halalan upang magamit sa ibang makabuluhang programa ang P3.2 bilyong pondo na gagamitin sa eleksiyon. Ayon kay Melo, mas magandang panahon na gawin ang Brgy at SK election sa 2011 kaysa isabay ito sa mid-term elections sa 2013, at magigipit din umano sila kung itatakda ito sa 2012. Sa inihaing mosyon ni Camiguin Rep. Pedro Romualdo, hiniling nito na pagsamahin ang 21 panukalang batas at dalawang resolusyon na naglalayong ipagpaliban ang Brgy at SK elections sa Oktubre. Inaprubahan din ng komite ang mosyon ni Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte na lumikha ng technical working group na siyang bubuo sa magiging resulta ng pinagsama-samang panukalang batas na tatalakayin sa susunod na linggo. Kabilang sa mga dumalo sa pagdinig sina Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian, kinatawan ng League of Mayors, at Caloocan Councilor Ricojudge Echiverri, national President ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas, na pabor para ipagpaliban ang halalan. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular