ADVERTISEMENT
Filtered By: Lifestyle
Lifestyle
FIRST PERSON: Nag-positive ako sa MERS-CoV
Akala ko, mamamatay na ako.
Isang gabi ng Setyembre noong nakaraang taon, bigla na lang sumama ang pakiramdam ko. Inapoy ako ng lagnat. Naisip ko, may trangkaso siguro ako. Pero mas matindi pa sa trangkaso ang naranasan ko – malalang ubo, taas-baba ang lagnat, hirap tumayo dahil sa matinding sakit ng ulo.
Dinala ako sa ospital dahil pumalo na sa 40 degrees ang lagnat ko. Takot na takot ako noon.
Kasagsagan ng MERS (Middle East Respiratory Syndrome) outbreak noon sa Middle East.
Kasagsagan ng MERS (Middle East Respiratory Syndrome) outbreak noon sa Middle East.
Hindi ko rin maiwasang matakot dahil nasa Saudi Arabia ako at nagtatrabaho bilang nurse sa isang pampublikong ospital. Hindi man mabilis maipasa ang virus, malaki pa rin ang tsansa naming mga medical worker na mahawa ng sakit na ito.
Matapos ang ilang tests na ginawa sa akin, nag-positive ako sa MERS. Kinailangan kong mai-admit, mai-quarantine at maobserbahan.
Habang nasa ospital ako, nabalitaan kong tatlo pa sa mga kasamahan kong Pilipino sa ospital ang nag-positive sa MERS.
Kada araw na ite-test ako, tanging dasal ko ay mawala na nang tuluyan ang virus. Kada araw na lumipas, naniwala akong bubuti ang kalagayan ko. Limang araw akong na-confine bago ako tuluyang nawalan ng lagnat at nakauwi.
Napakahirap magkasakit nang malayo sa pamilya. Wala kang support system.
Pero mas mahirap pala na wala silang kamalay-malay na isa na ako sa binibilang na kaso ng mga Pilipino sa Saudi na tinamaan ng MERS. Pinili kong huwag sabihin sa kanila dahil alam kong sobra silang mag-aalala at matatakot para sa akin.

Sa totoo lang, hindi naman dapat katakutan ang MERS. Sa atin sa Pilipinas, para lang itong trangkaso gaya ng mga sintomas na naranasan ko. Hindi rin basta-bastang naipapasa ng taong may MERS ang virus sa ibang tao maliban na lang kung madalas niya itong makasalamuha nang malapitan.
Mahalagang masuri agad ang isang pasyente para gumaling agad sa sakit na MERS. Wala pa mang naiimbentong bakuna laban sa MERS-CoV, kailangan lang na gamutin ang mga respiratory symptoms na maaaring makapagpalala sa kalagayan ng may sakit.
Kadalasan kasing sanhi ng pagkamatay ng pasyenteng may MERS ay ang paglubha ng sintomas na nararamdaman nito na karaniwang nauuwi sa pneumonia o respiratory arrest.
Kadalasan kasing sanhi ng pagkamatay ng pasyenteng may MERS ay ang paglubha ng sintomas na nararamdaman nito na karaniwang nauuwi sa pneumonia o respiratory arrest.
Sa ngayon ay patuloy akong nagtatrabaho dito sa Saudi. Ganoon din ang mga kasamahan ko – nalampasan namin ang MERS.
Pero matapos ang nangyari, doble na ang pag-iingat ko para maiwasan nang maulit ang pagkakasakit.
Pero matapos ang nangyari, doble na ang pag-iingat ko para maiwasan nang maulit ang pagkakasakit.
Hindi pa man laganap sa Pilipinas ang MERS, mainam pa rin ang ibayong pag-iingat upang maiwasan ito. Sana rin ay handa at may kapasidad ang gobyerno at mga pribadong ospital na tumugon sakaling kumalat ang MERS-CoV sa bansa.
Nakauwi na sa Pilipinas at nakabalik nang muli sa Saudi Arabia si "Carla," ang sumulat ng kuwentong ito. Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ng kanyang mga magulang at mga kamag-anak na isa siya sa mga tinamaan ng MERS. Wala siyang balak na ipaalam pa ito sa kanila.
More Videos
Most Popular