Mabuting Kalusugan sa Natural na Paraan
Alamin kung paano maging maginhawa at maayos ang inyong kalusugan sa pinakabagong award-winning na programa na mapapanood sa GTV – ang Healing Galing. Nagbibigay ito ng kaalaman tungkol sa kalusugan at mga tulong sa pagpapagaling gamit ang holistic approach.
Itinanghal ang Healing Galing bilang Best Public Service Program sa 34th Star Awards for television na iginawad ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Kinilala rin ng Philippine Movie Press Club si Dr. Calvario bilang Best Public Service Program Host sa kanilang 35th PMPC Star Awards for television noong January 28, 2023.
Samantala, tinatalakay sa programa ang mga pamamaraan upang gumaan ang pakiramdam, mula sa posibleng sanhi ng sakit hanggang sa nakapagpapagaling na katangian ng mga halaman. Ayon sa host nitong si Dr. Edinell Calvario, Naturopathy practitioner at founder ng Healing Galing, nais niyang palaganapin ang natural na paraan ng gamutan dahil naniniwala siya sa healing powers ng kalikasan. Sa programa ay kanyang binibigyang diin, "May hatid na kalusugan ang luntiang kalikasan".
Ang Naturopathy ay isang uri ng alternatibong medisina kung saan ginagamitan ng natural na pamamaraan ang pagpapagaling sa mga may karamdaman. Kasama na rito ang pageehersisyo, sapat na oras ng tulog, tugmang mga pagkain, at paggamit ng halamang gamot.
Bukod sa tulong pagpapagaling, nakatuon din ang show sa pagkakaroon ng healthy lifestyle upang maiwasan ang pagkakasakit. Ito ang pangunahing layunin ng Healing Galing, ang mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga manonood upang mapabuti ang kanilang kalusugan at matulungan lunasan ang kanilang kondisyon sa pamamagitan ng natural na gamutan.
Paano harapin ang hypertension? Ano ang kailangang gawin para malunasan at mapagaling ang kanser ? Bakit nanunuyo ang inyong mga mata? Ano ang pinakamainam na pagkain para palakasin ang inyong immunity? Ilan lamang ito sa mga katanungang sasagutin ng Healing Galing. Sa mga panayam ni Dr. Calvario sa programa ay makikilala rin ng mga tagasubaybay ang mga magbabahagi ng kanilang naging karanasan sa paggamit ng holistic approach sa gamutan. Dagdag pa rito ay maaari ring matuto ng easy-to-cook healthy recipes, exercise routines, at mga tips kung paano magkaroon ng malusog na pamumuhay.
Simulan niyo na rin ang inyong holistic wellness journey. Panoorin ang Healing Galing sa GTV tuwing Linggo ng 7:00-7:30 ng umaga.
Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa Healing Galing Official Facebook Page, Healinggaling.ph , at YouTube channel. Ugaliing komunsulta sa doktor o health care provider kung mayroong nararamdamang sintomas ng pagkakasakit.