ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Robredo: Freedom, dignity should be for all


Freedom and dignity should be for all, Vice President Leni Robredo said Friday for her Independence day message amid the COVID-19 pandemic.

“Sa mga nakikita natin sa mundo ngayon—sa harap ng pandemya, ng mga banta sa karapatan at kalayaan, sa pag-alab ng mga damdamin laban sa paniniil at pagbalewala sa dignidad ng indibiduwal o lahi—siguro nagiging malinaw na rin sa mas nakararami: Magkakarugtong ang kalayaan ng lahat,” Robredo said.

“Walang kalayaan ang isa kung walang kalayaan ang lahat—dahil ang sistemang sisiguro nito ay gagana lamang kung lahat ay ituturing nang patas at makatao: Patas ang dignidad, patas ang mga karapatan, pare-parehong may kalayaan,” Robredo added.

Having said that, Robredo said that freedom is gained by standing up for the welfare of others whether it involves market vendors or big businesses.

“Tumatawid sa sarili ang diwa ng kalayaan.. Ang tunay na kalayaan ay kalayaan para sa kapwa. At sa mga pagkakataong may banta sa kalayaan ng isa, kailangang lahat tayo pumalag, dahil ang tunay na binabantaan ay ang kalayaan ng lahat,” Robredo said.

She said the Filipino people should always fight for the rights of others.

“Ito nga siguro ang mensahe ko ngayong Araw ng Kalayaan sa panahon ng pandemya. Kung gusto natin ng pansariling kalayaan mula sa sakit at panganib, kailangang siguruhin ito para sa lahat—dahil kung hindi, magkakahawahan lang tayo. Kung gusto natin ng pansariling kalayaan para maghayag ng saloobin, kailangan ding siguruhin ito para sa lahat—dahil ang mga istrukturang panlipunang maaaring sumiil sa kalayaan ng iba ay maaari ring ituon para siilin ka,” Robredo said.

“Alalahanin natin na ang mga kaisipang naglunsad ng rebolusyon; patas na karapatan, dignidad, at kalayaan ng indibiduwal na maabot ang kanilang adhikain. Patuloy sana nating pagsikapang isadiwa ang mga kaisipang ito. Maligayang Araw ng Kalayaan sa lahat. Mabuhay ang duyan ng magigiting. Mabuhay ang sambayanang Pilipino,” Robredo added.—AOL, GMA News