Filtered By: Topstories
News

In her Christmas message, Robredo lauds frontliners, volunteers amid pandemic


As the country celebrates Christmas amid the COVID-19 pandemic, Vice President Leni Robredo on Thursday paid tribute to health care workers, frontliners, typhoon volunteers, and all Filipinos who followed health protocols.

Despite a different Christmas celebration this year, Robredo praised Filipinos for their unity amid the ongoing health crisis.

“Mula sa pakikiisa sa ating mga healthcare workers at frontliners, pagdo-donate, at pagbo-volunteer sa mga response at relief operations, hanggang sa simpleng pagsunod sa health protocols at pagpapalaganap ng tamang impormasyon tungkol sa virus—ang lahat ng ito, nagagawa natin dahil minamahal natin ang ating kapwa,” she said in her Christmas message.

“Walang katulad ang Paskong ito. Walang Christmas parties at caroling; walang malalaking salo-salo; magdiriwang tayo nang hindi katabi ang isa’t isa. Ngunit sa kabila ng napakaraming pagbabago sa mga tradisyong nakaugalian natin, humuhugot tayo ng lakas sa mga bagay na tiyak: Makakaasa tayo sa kabutihan ng ating kapwa; iisa tayong pamilya na sabay-sabay humaharap at bumabangon mula sa anumang pagsubok; lahat tayo, saklaw ng walang-hanggang pagmamahal ni Kristo,” she added.

“Binago man ng pandemya ang paraan natin ng pagdiriwang, hindi maaaring mabawasan ang kabuluhan ng araw na ito, dahil walang pandemya o sakunang kayang umampat sa pagdaloy ng pag-ibig ng Maykapal. Walang dilim na kayang magligaw sa atin, dahil tayo mismo ang liwanag ng bawat isa.”

Further, Robredo urged Filipinos to care for each other and strengthen family ties.

“Dalangin ko ngayong Pasko na patuloy tayong magbukas-palad, at ilapit ang diwa ng panahong ito sa puso at tahanan ng bawat pamilyang Pilipino. Palakasin ang ugnayan sa mga magkakamag-anak, magkakaibigan, mga kasapi ng ating komunidad, hanggang masaklaw ang buong Pilipinas at sangkatauhan,” she said.

“Makipagkuwentuhan, balikan ang mga karanasang nagbibigkis sa atin, ang mga pakikipagsapalaran, pati na ang kaligayahan at pagkabuhay ng loob na nadama natin sa maraming sandali ng taong ito. Humugot ng lakas mula sa isa’t isa,” she added.

This is the first Christmas to be spent by Filipinos amid lockdowns, massive loss of jobs, and health crisis posed by the COVID-19 pandemic.

So far, the virus has claimed 9,048 lives in the Philippines and vaccine availability is being eyed by March 2021.—AOL, GMA News